menu-iconlogo
logo

Taxi Driver

logo
가사
Pagkatapos kong mag almusal ng pandesal tsaka tapsilog

Ay lalabas ako ng bahay upang magmaneho ng taxi ko

At itong pag biyahe ko upang kumita ng salapi

At baka sakaling makabili ng bahay na malaki

Unang passenger isang mukang mayaman na lasing

Di siya magalang napakayabang at amoy alak na kasing

Gasing ng mga gipit kulang binayad wala man lang tip

Kakabadtrip pwede ba sa susunod sumakay kana lang ng jeep

Ikalawang pasahero binibining estranghero

Sa suot niyang mini skirt gumaling aking pagka bolero

Nagpahatid siya sa monumento binayad niya ay limang daan

Keep the change sabi ko napakaswerte ko naman

Mananaghalian na muna ako pahinga di muna ako babyahe

Nang may napansin ako sa limang daan na binayad nung babae

Kaya pala keep the change peke pala yung limang daan

Pag nakita kita ulit ikay aking kakantahan

Andito na ang inyong gwapong gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam hi Sir

Liko dito liko here liko liko there

Pwede ring dire diretso basta wag lang sa pader

Andito na ang inyong gwapong gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam hi Sir

Bababa ba teka gigilid lang ako

Bago niyo ako layasan iabot niyong bayad niyo

Isang lola ang naisakay ko na kung makatingin ay makamandag

Sa kamadali niyang magbayad naiwan niya ang kanyang bag

What ano ang laman ng bag dali daling binulatlat

Kala ko pera yung pala tiyanak so tinapon ko sa tapat

Ng kambingan at tindahan ng gamot saka bulaklak

Nang sa taxi ko ay may biglang kumatok napakalampag

Isang mamang malaki katawan na semi panot ang gupit

May kasama siya na dalawang seksing bebot ang lupit

Ngunit bakit sa aking sakay di ako mapalagay

Akoy tinutukan ng baril ang sabi nya holdap to taas kamay

Naku patay holdaper pala itong naisakay ko na semi panot

Pano na yan wala pa kong kita kalalabas ko palang edi lagot

Mabuti nalang ay may biglang dumaang mobile patrol

Silang tatlo ngayon ay nasukol at sa kulungan sila nagmaktol

Pinagtanggol ako ni lord at silay kalaboso na

Hoy panot one time lang sa bunbunan pakutos muna

Andito na ang inyong gwapong gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam hi Sir

Liko dito liko here liko liko there

Pwede ring dire diretso basta wag lang sa pader

Andito na ang inyong gwapong gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam hi Sir

Bababa teka gigigilid lang ako

Bago niyo ako layasan iabot niyong bayad niyo

Mula batanes hanggang jolo iniikot ko

Luzon visayas mindanao ay nililibot ko

Minsan para bang gusto ko nang tumawid ng ibang bansa

Pag may nanghuli sakin ng taxi ko sa kanya ko ibabangga

Simula marikina katipunan san juan UP kalayaan

Pagliko ko sa litex kanan commonwealth novaliches bayan

Montalban angono cogeo san mateo antipolo taytay cainta

Valenzuela tondo caloocan malabon navotas malanday malinta

Diliman quezon at timog cubao makati at buong edsa

Bicutan taguig alabang pasig pasay at mall of asia

Welcome rotonda diretso sa recto

Sa dating hotel kung san pwede pumuwesto

Simbahan ng quiapo baclaran batasan

Payatas sandigan at ever gotesco

Boni magallanes sucat parañaque espana luneta laloma malate

Sa 7 11 kumakaway sakin na mag isang nakatayo na lalake

Isasakay ko nato last nato isa nalang

San kayo boss sa heaven tayo wag muna saka nalang

Andito na ang inyong gwapong gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam hi Sir

Liko dito liko here liko liko there

Pwede ring dire diretso basta wag lang sa pader

Andito na ang inyong gwapong gwapong taxi driver

Handa kayong ipagmaneho hello maam hi Sir

Bababa teka gigigili lang ako

Bago niyo ako layasan iabot niyong bayad nyo

Bayad nyo nyo nyo