Masasayang mga araw
Na kasama kita
Paglalambing at kulit mo
Na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya
Ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira
Ng lahat, lahat
Bakit pa dumating
Ang oras na ito?
Nabalitaan ko
Na wala ka na
Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan
Sa kabilang buhay?
Paano na ang lahat?
Paano na ako, tayo?
Hindi ba't sinabi mo sa akin
Na sabay tayong mangangarap?
Bakit bigla kang lumisan
Nang hindi man lang nagpaalam?
Isang malamig na hangin
Ang yumakap sa akin
Parang isang pahiwatig
Na magpapaalam ka na
Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan
Sa kabilang buhay?
Ooohhh ooohhh ooohhh
Ooohhh
Ooohhh
Hindi ba't sabi mo ooohhh
Hindi ba't sabi mo ooohhh
Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan?
Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan
Sa kabilang buhay?