menu-iconlogo
logo

Sa Isang Awit

logo
가사
Noon ang aking buhay ay walang kulay

Mga sandaling laging napupuno ng takot

Parang nababalot sa kahapong kaypait

Para bang mundo'y sa akin ay nagagalit

Ngunit dahil sa awit mga pangarap ating mararating

Ako'y nangarap

Ako'y lumaban kahit na mahirap

Kahit sila'y hindi naniniwala

Hindi napigil sa aking pangarap

At dahil sa isang awit

Mga pangarap ay aking nakamit

Ngayon ang aking buhay ay may kulay

Mga sandaling laging may dalang ligaya

Ang bawat umaga

Puno ng pag asa

Napawi nang lahat ng paghihirap

At dahil sa isang awit mga pangarap

Ay aking narating

Ako'y nangarap

Ako'y lumaban kahit na mahirap

Kahit sila'y hindi naniniwala

Hindi napigil sa aking pangarap

At dahil sa isang awit

Mga pangarap ay aking nakamit

Lumaban ka wag na wag susuko

Maniwala lang na may mararating

Ako'y nangarap

Ako'y lumaban kahit na mahirap

Kahit sila'y hindi naniniwala

Hindi napigil sa aking pangarap

At dahil sa isang awit

Mga pangarap ay aking nakamit

Mga pangarap ay aking nakamit