menu-iconlogo
huatong
huatong
sugarcane-dalangin-cover-image

Dalangin

SUGARCANEhuatong
nrouveryhuatong
가사
기록
Lahat ng hapdi'y nakalimutan

Pinawi maging ang kalungkutan

Makapigil-hininga na kagandahan

Uunahin ka maging kahit kanino man

Bukang-liwayway sa kalupaan

Tila abot-kamay na ang kalangitan

Tunay ngang wala kang kapintasan

Kung ako'y hahayaan, hindi ka na bibitawan

Oh, kay tagal kang hinintay

Napagod kong puso'y sa 'yo na mahihimlay

Dalangin, oh, aking dalangin

Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo

Yakapin, hayaang yakapin

Sa oras na ika'y bigo, sa 'yo'y hinding-hindi susuko

Hiwaga na hindi namamaalam

Biyayang tinuturing ng mangilan-ngilan

Maaari bang sa piling ko'y manahan?

Natatanging kayamanang matuturing na tahanan

Oh, kay tagal kang hinintay

Napagod kong puso'y sa 'yo na mahihimlay

Dalangin, oh, aking dalangin

Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo

Yakapin, hayaang yakapin

Sa oras na ika'y bigo, sa 'yo'y hinding-hindi susuko

Dalangin, oh, aking dalangin

Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo

Yakapin, hayaang yakapin

Sa oras na ika'y bigo, sa 'yo'y hinding-hindi susuko

Hinding-hindi susuko

SUGARCANE의 다른 작품

모두 보기logo

추천 내용