Nakatulong ba nung lumayo ako 
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto 
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon 
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo 
Balang araw ay makikita mong 
'Di kailangan lumayo 
Kung paglisan lang ang paraan 
Patawad 
Paalam 
Kahit nasa'n ka man 
Nariyan pa ba ang pinangarap ko 
Na aking tinalikuran para mabuo 
Bakit ganon kahit sa'n lumingon 
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo 
Balang araw ay makikita mong 
'Di kailangan lumayo 
Kung paglisan lang ang paraan 
Patawad 
Paalam 
Kahit nasa'n ka man 
Oooh oooh oooh 
Nahanap nga sarili mo 
Nawala naman ako 
Masisisisi mo pa ba 
Kung ako'y sususuko na 
Hindi mo man mapakinggan 
Ang aking mga dahilan 
Maitatanggi mo bang 
Mahal na mahal kita 
Sa aking paglayag 
Tiyak ika'y masasaktan 
Hangad ko'y maintindihan 
'Di maintindihan 
Na sa tamang panahon 
Hinding hindi na iiwan 
Kung 'yong pagbibigyan muli 
'Di kayang pagbigyang muli 
Kahit anong gawin 
'Di na mababalik ang dati 
Paalam, salamat 
Salamat sa lahat 
Balang araw ay makikita mo 
'Di ka sana lumayo 
Kung paglisan lang ang dahilan 
Sa ating hangganan 
Ikaw pa rin sana