Parang tangang 
kausap ang tala at buwan 
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan 
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan 
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman 
Walang nag-iba 
Talo nanaman tayo 
Ganun talaga 
Nadala nalang sa puro pangako 
Baka pwede lang kahit isang saglit 
Masabi lang na merong konting pagtingin 
Baka pwede lang kahit pa pasaring 
Sa sarili ko'y magsisinungaling 
Parang tangang 
kausap ang tala at buwan 
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan 
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan 
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman 
Hindi ko lang masabi 
Ayoko na sayo 
Tao lang, napapagod din 
Kaso 'di ko magawang lumayo 
Baka pwede lang kahit isang saglit 
Masabi lang na merong konting pagtingin 
Baka pwede lang kahit pa pasaring 
Sa sarili ko'y magsisinungaling 
Parang tangang 
kausap ang tala at buwan 
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan 
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan 
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman 
Kailan ba makakatulog ng mahimbing 
Kahit ilang minuto lang na 'di ikaw ang nasa isip 
Baka pupwede lang naman 
huwag ka munang magparamdam 
Dahil sawang sawa na akong marinig 
na ako'y kaibigan lang 
Tangina, ba't ba walang mali sa'yo 
'Di magawang umiwas at tuluyan nang lumayo 
Kahit na anong gawin, sinusuway ko parin 
Umaasang 
Parang tangang kausap ang tala at buwan 
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan 
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan 
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan na naman