menu-iconlogo
logo

Diwata

logo
Тексты
Kapag nariyan ka, bumabagal

ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat

ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang

minamahal ko, oh aking diwata

uh, uh, uh, uh, uh

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita,

parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagama’t pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagka’t

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

uh, uh, uh, uh, uh

Naaalala ko pa n’ung una kang

masilayan, nanghihinayang

Gustung gusto kita, kausapin,

Makilala, subalit may kaba

Kaya nahihiya lang

Sinayang, ang nakatakdang tadhana

Karapat dapat nga ba na magkandarapa

Sa isang prinsesa na may delicadeza

Kesa sa gano’n baka sakaling

game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako

Liparin natin ang

iba’t ibang parte ng mundo

Tugma pa rin kahit

sabihing hindi tayo bagay

Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan

At pahalagahan ang

natural mong kagandahan

Aminin ko man o hindi

Kapag nasa paligid eh

pasimple na ngumingiti

Sana kako tamaan

Kapag nariyan ka, bumabagal

ang ikot ng mundo oh

Hindi kita dapat

ginugusto pero natutukso oh

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang

minamahal ko, oh aking diwata

uh, uh, uh, uh, uh

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita,

parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagama’t pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagka’t

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

uh, uh, uh, uh, uh

Hanggang sa nagkakilala muli

At unti unti kang nakikilala, muntik

Pang tumitiklop na parang makahiya uh

Naglakas loob uh, d’yan sa kaliwa

Ang daming pumipila, daig pa’ng MRT

Pero diba’t sa pag ibig mas

kabit ‘pag less than three

Anong sagot, p’ede mo ‘kong tanungin

May tanong ako sa’yo,

p’ede mo kong sagutin

Sana oo na lang din

Susubukang abutin

Panaginip lang kita,

kaya gusto kong antukin

Oras na maghawak kamay

baka bigla kang alukin

Walang hiling na kapalit,

gusto lang kitang mahalin ah

Ikaw ang aking laging nais na makapiling

Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling

Binibining napakaganda at wagas

Walang wakas, samahan mo ko,

sabay tayong mangarap ng mataas

Kapag nariyan ka, bumabagal

ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat

ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang

minamahal ko, oh aking diwata

N’ung nakita ko s’ya, ‘di makapaniwala

Sa taglay n’yang ganda, tinamaan din ako

Teka bakit ganito, ba’t napaparap ako?

‘Di ba sabi ko sa’yo,

‘wag mo na akong isama

Para ‘kong nasilaw sa kasama mong diwata

Ngayon alam ko na ba’t

nasiraan ka nang ulo

Mapapakanta ka na lang na parang ganito

Kapag nariyan ka, bumabagal

ang ikot ng mundo woah

Hindi kita dapat ginugusto

pero natutukso woah

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagka’t ikaw lang ang

minamahal ko, oh aking diwata

uh, uh, uh, uh, uh

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita,

parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, ‘di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagama’t pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagka’t

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

uh, uh, uh, uh, uh, uh

Diwata от Abra/Chito Miranda - Тексты & Каверы