menu-iconlogo
logo

Diwata

logo
Тексты
Kapag nariyan ka,

Bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto

Pero natutukso

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko

oh aking diwata

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita,

parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagamat pinagbawalan ipaglalaban ka

Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

Naaalala ko pa nung una kang masilayan

Nanghihinayang

Gustung gusto kita

Kausapin, Makilala, subalit may kaba

Kaya nahihiya lang

Sinayang, ang nakatakdang tadhana

Karapat dapat nga ba na magkandarapa

Sa isang prinsesa na may delicadeza

Kesa sa ganon

Baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako

Liparin natin ang

ibat ibang parte ng mundo

Tugma pa rin

Kahit sabihing hindi tayo bagay

Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan

At pahalagahan ang

natural mong kagandahan

Aminin ko man o hindi

Kapag nasa paligid eh

pasimple na ngumingiti

Sana kako tamaan

Kapag nariyan ka,

Bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto

Pero natutukso

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko

oh aking diwata

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita,

parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagamat pinagbawalan ipaglalaban ka

Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

Hanggang sa nagkakilala muli

At unti unti kang nakikilala, muntik

Pang tumitiklop na parang makahiya uh

Naglakas loob, andyan sa kaliwa

Ang daming pumipila, daig pang MRT

Pero diba't sa pag ibig mas

kabit pag less than three

Anong sagot, pede mo kong tanungin

May tanong ako sayo,

pwede mo kong sagutin

Sana oo na lang din susubukang abutin

Panaginip lang kita,

kaya gusto kong antukin

Oras na maghawak kamay

baka bigla kang alukin

Walang hiling na kapalit,

gusto lang kitang mahalin ah

Ikaw ang aking laging nais na makapiling

Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling

Binibining napakaganda at wagas

Walang wakas, samahan mo ko,

sabay tayong mangarap ng mataas

Kapag nariyan ka,

Bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto

Pero natutukso

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko

oh aking diwata

Nung nakita ko sya, di makapaniwala

Sa taglay niyang ganda, tinamaan din ako

Teka bakit ganito, bat napaparap ako?

Di ba sabi ko sayo,

wag mo na akong isama

Para kong nasilaw sa kasama mong diwata

Ngayon alam ko na bat

nasisiraan ka nang ulo

Napapakanta ka na lang na parang ganito

Kapag nariyan ka,

Bumabagal ang ikot ng mundo

Whoa

Hindi kita dapat ginugusto

Pero natutukso

Whoa

Ano man ang sabihin nila,

hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko

oh aking diwata

(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita,

parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagamat pinagbawalan ipaglalaban ka

Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

Diwata от Chito Miranda/Abra - Тексты & Каверы