Kapag nariyan ka, bumabagal
ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat
ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila,
hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang
minamahal ko, oh aking diwata
uh, uh, uh, uh, uh
(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita,
parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata
uh, uh, uh, uh, uh
Naaalala ko pa nung una kang
masilayan, nanghihinayang
Gustung gusto kita, kausapin,
Makilala, subalit may kaba
Kaya nahihiya lang
Sinayang, ang nakatakdang tadhana
Karapat dapat nga ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delicadeza
Kesa sa ganon baka sakaling
game ka maging reyna
Date tayo, oo, ikaw at ako
Liparin natin ang
ibat ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit
sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay
Kung sabagay, karangalan kong alagaan
At pahalagahan ang
natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi
Kapag nasa paligid eh
pasimple na ngumingiti
Sana kako tamaan
Kapag nariyan ka, bumabagal
ang ikot ng mundo, woh
Hindi kita dapat
ginugusto pero natutukso, woh
Ano man ang sabihin nila,
hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang
minamahal ko, oh aking diwata
uh, uh, uh, uh, uh
(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita,
parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata
uh, uh, uh, uh, uh
Hanggat sa nagkakilala muli
At unti unti kang nakikilala, muntik
Pang tumitiklop na parang makahiya uh
Naglakas loob uh, dyan sa kaliwa
Ang daming pumipila, daig pa MRT
Pero dibat sa pag ibig mas
kabit pag less than three
Anong sagot, pwede mo kong tanungin
May tanong ako sayo,
pede mo kong sagutin
Sana oo na lang din
Susubukang abutin
Panaginip lang kita,
kaya gusto kong antukin
Oras na maghawak kamay
baka bigla kang alukin
Walang hiling na kapalit,
gusto lang kitang mahalin ah
Ikaw ang aking laging
nais na makapiling
Hindi Maria Clara kundi
Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas
Walang wakas, samahan mo ko,
sabay tayong mangarap ng mataas
Kapag nariyan ka, bumabagal
ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat
ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila,
hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang
minamahal ko, oh aking diwata
Nung nakita ko sya, di makapaniwala
Sa taglay nyang ganda, tinamaan din ako
Teka bakit ganito, bat napaparap ako?
Di ba sabi ko sayo,
wag mo na akong isama
Para kong nasilaw sa kasama mong diwata
Ngayon alam ko na bat
nasiraan ka nang ulo
Napapakanta ka na lang na parang ganito
Kapag nariyan ka, bumabagal
ang ikot ng mundo woh
Hindi kita dapat ginugusto
pero natutukso woh
Ano man ang sabihin nila,
hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang
minamahal ko, oh aking diwata
uh, uh, uh, uh, uh
(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Pag pinagmamasdan kita,
parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagamat pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata
uh, uh, uh, uh, uh, uh