Harana para sa dalaga
Na kung di dahil sa pag ibig
ay tinalikuran ko na sana
Dalaga na balak makasama
Mula sa simula hanggang sa
magsipagtunugan yung kampana
Makasama ka na para bang tadhana
At kamatayan lamang ang
nag iisang pintuan kung wala ka
Ang tadhana sadyang kahanga hanga
Ibang mga babae sa mundo
kinalimutan ko na para
Masabi lang sayo na
tapos na ang panggiginaw
Ng puso kong naghihikahos
pagkat naliligaw
Ngayon paos na paos na sa kasisigaw
Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
Ngunit bakit parang
maraming nakatitig satin
At parang hindi sila
sang ayon sa pag ibig natin
Mahal kita kahit may pagka alanganin
Pagka't satin mas mukha
ka pang lalaki kesa sakin
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw
ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw
ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
Ang buhay parang dagat
na kung saan lahat tayo nagtipon
Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon
Hindi ka lang maganda
pag hindi nakatalikod
Parang ipot ka ng ibon magpakipot
Hindi kanaisnais pero
hulog ka ng langit
Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit
Kalait lait pero kahit ubod ka ng pangit
Sakin maskaakit akit ka pa
kapag natuto kang mag ahit
Hindi ka man napiling
ikaw lang ang kapiling ko
Kahit hindi pilitin,
ikaw ang pipiliin ko
Para kang Rebisco ang
sarap ng feeling ko
Ikaw ang namimiss ko, mismo
At kung kasama ka, parang
naglakad ng aso, kaso di eh
Pag galit si Son Goku
parang kamukha mo babe
Pero ika’y bituin kapag
sa langit nakadungaw
Kahit parang in between
ka ng babae at bakulaw
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw
ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Hiling kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw
ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
Ka date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
Isang araw dumalaw, sakin
ang aking dating kasintahan
Ang sabi nya “Uy! Meron
akong nabalitaan
Nang ikwento nya ako ay napaisip
Sabay napatahimik nang sinabing
“Hindi yan tunay na pag ibig!
Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
Kung tama ang hinala,
ito’y mabisa na gamot
At nang aking inumin
saka ko lang naunawaan
Gayuma nga! Lang hiya!
Ako’y naloko lamang!
Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi
Ngayon ay pili ko na kung
sinong kupal sa hindi
Ito ay pelikula na binuo patabinge
Isa kang malaking libag
na tinubuan ng pisnge!
Alam mo? Mukha kang tuhod na may
bukol, na may sugat, na may nana!
Ikaw ang dahilan kung
ba’t nasulat ‘tong harana
Para sa dalaga na kung di dahil sa
gayuma ay pinaliguan ko ng bala
Hindi ko maipaliwanag
(Hindi ko maipaliwanag)
Kung ba’t marahil ikaw
ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ko ikaw ang nasa isip
(Badtrip!)
Hiling kita hanggang sa panaginip
(Ang pangit mo talaga!)
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wa… ah… teka..
teka.. teka.. teka..)
Ngunit hindi ko maipaliwanag
(Pero ngayon ay maliwanag na lahat)
Kung ba’t marahil ikaw
ang laging hinahanap
(Di ako makapaniwala sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
(Kalokohan)
Ka date kita hanggang sa panaginip
(Hay nako...)
Kasi ikaw ang iniibig ko
Syempre yan ay dahil sa gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA
Dahil sa Gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA
Dahil sa Gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA
Dahil sa Gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA
Gaga GAYUMA