menu-iconlogo
logo

TRPKNNMN

logo
Тексты
Pagod sa trabaho

Makulit na amo

Wala pang sweldo baon ko di aabot paano

Ko pagkakasyahin pengeng malupit na plano

Sahod na parang nakahingi ka ng balato

Disgrasya demo- demokrasya

Dito sa bayan na karangyaa'y madalas na pinapantasya

Lumang sapatos na pilit mong pinapagkasya

Pangarap na di mo mapaliit ang distansya

Na maabot

Oy alas singko na pala

Makabyahe na para di makasabay ang iba

Sa kalsada na palagi na lamang halabira

Mga maling sulat ng lapis pero di mo mabura

Gano na ba kahaba ang pila sa LRT

Sana nama'y di na tumirik ang MRT

Ingat baka madukutan ka pa ng Iphone 3

Ito ang 'sang dinadaing araw man o gabi

Gusto ko ng umuwi

Gusto ko ng umuwi

Araw araw na lang ganito mula sa Monumento

Lalo hanggang sa Quiapo

Crossing ilalim

Ibabaw nasan ka na raw

Nasa Cubao nilalangaw

Gusto ko ng umuwi

Gusto ko ng umuwi

Kaso trapik na naman

Paulit- ulit ulit ulit ulit ulit ulit

Na inuukit ukit ukit ukit ukit ukit

Sa kukote na patuloy yata ko'y

Tinitila may silbi pa ang sinulid kaysa

Mga bibig na burara

Mga kamay na bastos

Sa sasakyang may kamao at may pangalan ng Diyos

Ayaw ayusin ang sira

Sisirain ang ayos

Sila na nakaraparada sa mga daan na kapos

Tapos bawal magsakay

Bawal magbaba

Lahat ng bawal ginawa ang kapal ng mukha

Dito po tayo tumawid pero nasa kabila

Ako'y nagtataka bakit di umuunlad ang bansa

Hanggang baba ng pila ng tao sa LRT

Lahat kasi tumirik na naman na MRT

May napatay na holdaper dahil sa Iphone 3

Ano ang lagi mong daing araw man o gabi

Gusto ko ng umuwi

Gusto ko ng umuwi

Araw araw na lang ganito mula sa Monumento

Lalo hanggang sa Quiapo

Crossing ilalim

Ibabaw nasan ka na raw

Nasa Cubao nilalangaw

Gusto ko ng umuwi

Gusto ko ng umuwi

Kaso trapik na naman

Ayo bayan

Trapik neno yan

Ayo bayan

Trapik neno zap nena

Ayo bayan

Trapik neno man

Ayo bayan

Trapik neno man

Man man man man man man

TRPKNNMN от Agsunta/Gloc-9 - Тексты & Каверы