Ikaw na pala
Ang may ari ng damdamin ng
Minamahal ko
Pakisabi na lang
Na 'wag nang mag alala at okay lang
Ako
Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na
Lumisan
Kaya't humihiling ako kay
Bathala
Na sana ay hindi na siya
Luluha pa
Na sana ay hindi na siya
Magiisa
Na sana lang
Ingatan mo siya
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Dahil sa 'yo
Heto na'ng huling awit
Na kan'yang maririnig
Heto na'ng huling tingin
Na dati siyang kinikilig
Heto na'ng huling araw
Ng mga yakap ko't halik
Heto na ahh
Heto na
Ingatan mo siya
Binalewala niya ako
Dahil sa 'yo
Nawalan na ng saysay
Ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring
Na kay tagal ko ring
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Heto na'ng huling awit
Na iyong maririnig
Heto na'ng huling tingin
Na dati kang kinikilig
Heto na'ng huling araw
Ng mga yakap ko't halik
Heto na ahh
Heto na
Ingatan mo siya