Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahandahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na
Muntik na
Nasanay ako sa 'king pagiisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala ng iyong halik
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito
Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pagibig
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Muntik na
Nasanay ako sa 'king pagiisa
Kaya nang iwanan
Ang bakas ng kahapon ko
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin rin