menu-iconlogo
logo

Haring Araw

logo
Тексты
Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw

(Walang iba, walang iba. Ikaw lang!)

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

Habang ikaw ay kasa-kasama

pagala-gala hindi nakakasawa

Bahala na tadhana, sagot na ni Bathala

Lakas ng tama kawawa ang baga sa kakatawa.

(Ha-ha-ha)

Do'n tayo sa paborito mong kainan

at kung hindi mo maibigan sa chubibo maglambingan

Biruin mo si kupido napagbalingan ako ng pana

Maniwala ka sana 'di ako manlalamig parang naka-pajama

Asawa ang turing ako ay 'di na antukin

Daig pa natin ang pamilya ni Lumeng

Mahirap habulin 'pag tayo magkasama

Ang daan akala mo sagala, sakop ang kalsada

Gusto mo sa tabing dagat, tamang inom sa may pampang

Kung nakaupo lang tambay inuman habang bilog ang buwan

At para bukas, sa uulitin tayo ay magsama

Balewalain ang dapat yung gusto mo yun ang tama 'di ba?

Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

Habang ikaw ay kasa-kasama

Pagala-gala kahit san mapunta sige lang bara bara

Sa atin ang mundo, sagot ko na ang pamasahe

Tamang trip sago gulaman, tuhog fishball dun sa kalye-ah

Dapat ganito palagi, ang nangyayari

Sulitin ang araw pati gabi ng makarami

'Kala 'ko nagtuturo ka, hahalik lang pala sa labi

Sa kasamaang palad hindi pwe-pwedeng walang bawi

Nasa likod mo 'ko parati, na parang etiketa

Kung pagod ka na, angkas muna sa bisikleta

Humawak ka sa baywang, baka malaglag, tawanan sa daanan

sabay sa aking kada padyak, kulitan magdamagan

Kahit nasaan pa man parang mga pirata kung makipagsapalaran

At kung sakaling pagtulungan 'man ng agos at ng alon

Tatawanan lang nating hanggang matapos ang maghapon

Kung kaya, kaya.

Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

ang sarap-sarap mong kasama

sarap mo naman na kasama

ang sarap-sarap mong kasama

sarap mo naman na kasama

nandito lamang ako ikaw ba ay nangangamba akong bahala sayo diretso lang ang tingin wag ka ng lumingo

isipin mo na; ang ito ang daan papunta sa ating prusisyon

pagmamahal na walng kundisyon

maglalakbay at sasabay kahit na nakaposisyon

mga harang na di maisantabi, sa isang tabi

kabilang parte naman nito malabo na mapaghiwalay nila

kame wala silang pake

Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw

Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw

hindi ko na namalayan na inabot na pala ng madaling araw

parang kanina lang ay nagba bye paalis ang haring araw

hanggang bukang liwayway kumaway kahit ang tulog ay mababaw

ulo mo saking balikat inabutan ng pagsikat ng haring araw

Haring Araw от Apekz - Тексты & Каверы