menu-iconlogo
logo

Mayor de Edad

logo
Тексты
Tapos na'ng tagutaguan, ayoko ng maging batukan

Ngayon wala nang makaka-agaw ng ulam dun sa aking baunan

Kahit ano mang sugat yan nginigitian ko lang diba nga wala kang makikitang bahaghari sa katiting na ulan

Kaya gumawa ng mga barang talagang bago sa panlasa

Sino na ngayon ang bata eh sa mga likha nyong talata

May timutilapon pa na lata nasa indyon pa nga yata

Baka di ko na to ma control ang dami pa daw ng pagdadadaanan

Ko kaya pasensya na tol kung maka bundol

Lahat tumba alanganin umawat lahat ay paso

Kapag sa akin humawak gusto mong sumabay

Mag amanamin ka dapat akyatin ang arayat

Mag basa ng tubig at dakmain yung kawad

Palaging balanse may lalim at lawak may tapang ni David kay Goliath

Pag kinaharap mapapatingin ka na lang sa puwet mo

Kung marami kang balat kumakatay ng patimpalak at pag sa ring umapak

Inosenteng na mukhang may maitim na balak minsan aning aning may sapak

Malagim pa sa may labing anim na chanak nakapalibot at may patalim na rin na

Gustong gawing pang-tarak itinakwil ang dagat upang sakupin

Ang lahat ng lupaing matatapakan. (Ako 'yong)

Bagong salta wag mo akong abusuhin wag mo kong brasuhin

Lahat ng gawin mo palpak

Unang pahina pa lamang ito ng aking libro

Kaya bagong salta wag mo akong abusuhyin wag mo kong brasuhin

Lahat ng gawin mo palpak

Unang pahina pa lamang ito ng aking libro

Ako'y isang mayor mayor mayor mayor mayor

Mayor mayor mayor mayor

Ako'y isang mayor mayor mayor

Mayor mayor mayor mayor

Tuklasin natin ang hilaga mula sakatimugan

Maligo sa hiwaga ng buwan pag kabilugan

Tinatawag na tayo ng kalikasan pero mga ihi pataasan

Mananatili parin naman akong gutom kahit pa malipasan

Sari-saring pangitaing naghayag ng dadamin sa akin

Kama kailan para aking muling buklatin at ungkatin

Ang lumat at bagong tipan, nang sa gayon bawat letra at bara

Ay mala bareta de cabra upang buksan ang isipan

Makalipad na muli ang Maria Cafra

Pakiramdam ngayon parang pinanganak muli

Tapos na ang kasuputan

Panahon na para maging tuli

Mga papel na medyo may bahagyang tupi tupi

Matatamis nilang salita ang dahilan kung ba't tayo'y bungi bungi

Kaya humanap ako ng pamatay sunog buhay ay panay pagsubok

Masalimuot pero bandang dulo alam kong may ginhaw rin ang dulot

Dire-direcho daanan man nati'y disyerto hanggang sa huling patak ng metro

Walang aapak sa preno hangang mag yelo ang impyerno

Bagong salta wag mo akong abusuhin wag mo kong brasuhin

Lahat ng gawin mo palpak

Unang pahina pa lamang ito ng aking libro

Kaya bagong salta wag mo akong abusuhyin wag mo kong brasuhin

Lahat ng gawin mo palpak

Unang pahina pa lamang ito ng aking libro

Ako'y isang mayor mayor mayor mayor mayor

Mayor mayor mayor mayor

Ako'y isang mayor mayor mayor

Mayor mayor mayor mayor

Tabi tabi po pwede bang makiraan dadaan kasi ako sa gitnan

Ng usap-usapan ng mga higanteng na naging pananaw ay mata ng

Pigsa sa mga munting katulad ko na laging natatapakan sa daan ng iba na

Ngayon ay hindi lang naging tinik sa lalamunan naging bubog pa sa talampakan nila

Kaya nga mga boss manatili kayo na nakayuko sa kada hakbang

Ingat sapagkat ang ulat ng aking mga balita'y higit pa sa sapat lang

Bilang isa sa mga responsable ay malumanay ko na ipinapabatid na etong laro ay di na

Basta torohan balian na to ng sungay mga kapatid

Oo naging bulag nga ko noon sa mga neto ko lang kinamulatan

Pero di ako pinanganak kahapon para mamatay lamang kinabukasan

Imbis na sayanging mga pagkakataon mga panhaon ay nilbos ko na din ng husto

Sapagkat henerasyo na ngayon ng hiphop bente dos to

Di lang utak ang syang pinairal ko ibang klaseng karunungan na

Malayo sa mga kaalaman na inaral nio

Kusa ko lang natutunan na sa makulay na tunay na buhay

Ay di napapahumpay sinuman ang sumabay

Un lang ay kung may puso kang handang mamatay at pumatay

Para magtagumpay (Ako'y isang mayor)

Un lang ay kung may puso kang handang mamatay at pumatay para magtagumpay (Ako'y isang mayor)

Un lang ay kung may puso kang handang mamatay at pumatay para magtagumpay

Bagong salta wag mo akong abusuhin wag mo kong brasuhin

Lahat ng gawin mo palpak

Unang pahina pa lamang ito ng aking libro

Kaya bagong salta wag mo akong abusuhyin wag mo kong brasuhin

Lahat ng gawin mo palpak

Unang pahina pa lamang ito ng aking libro

Ako'y isang mayor mayor mayor mayor mayor

Mayor mayor mayor mayor

Ako'y isang mayor mayor mayor

Mayor mayor mayor mayor

Mayor de Edad от Apekz - Тексты & Каверы