menu-iconlogo
logo

Mitsa (feat. Mikerapphone)

logo
Тексты
Nagpapakilala mula sa mundo ng sining na walang tanikala

Pinag-aralan pinasa upang matawag na isang makatang bihasa

Para sa mga nagtatanghal ito ay para sa inyo wala nang iba pa

Ikaw ang pinaka sa sarili mong istorya at di ka namamalik mata

Banat lang ng banat malay mo bigla nalang na makaisa ka

Pati pamato naitaya kong pamusta basta maikasa

Sa meron o wala bahala na kung ano ang tinakda

Meron diyang gutom pero sikat na tinangay yung datung mula sa kanta ha

Ako’y para bang ligaw na tupa sa mga kasama ko na Buddha

Tsumempo di nanguna nagbanat ng buto na muna

Pulikatin man sa kakatingkayad ay pipilitin pa rin na makuha

Abutin ang mga tala habang nakasayad ang mga paa sa lupa

Salamat sa pag-imbita musika alam mo na mahal kita

Buti pa sipain ang naiiba dahil sa napakadami nila

Mga wanna be na manggagamit di malaman kung bakit

Tinuring mo naman na kaibigang matalik

Nasilaw naakit dapat sa kanila walang itira kahit isa

Ang sandata ko sa gitna

Papel tinta puso at salita

Tuwing sasampa ako ay sabik na

Gusto ko nang sindihan yung mitsa

Balanse lamang ang timpla

Papel tinta puso at salita

Malamang mayanig kaya kumapit ka

‘Pagkat gusto ko nang sindihan ‘tong mitsa

Sa tapat ng mga ilaw sa harap ng mga tao

Marami man o kaunti hindi magbabago ang bawat pag-akto

Humanap ng enerhiya kumakagat yung sativa

Kung gusto mong gumanap na bida sa karera ang kailangan ay bayad ang prangkisa

Hinog na kalidad kahit hindi mainit hinahanap ng madla

Para karapat-dapat ka talaga sa inaasam mong halaga

Nung una ay hindi ko masabe tingnan mo nangyare

Sinasabotahe ng dahil sa haliparot na babae

Ngayon ay hindi mo na pwede pang maibalik yung dati

Sino ba naman ako isang tuldok na nangarap

Kung gustong makipagbuno ay malugod kong winawasak

Ulupong na puro bulong sunog sa pugon papuntang alapaap

Pag humarang parang sinalubong yung habagat habang nakalutang dun sa dagat

Tipong sawa na si Nobita at naging pinakasiga

Ang gasolina pampakalat ng apoy maituturing bitamina

At kung maliit pa rin ang tingin sa kabila ng mga pinakita

Tanggapin kung mahina kung mali sya paulanan ng dinamita

Ang sandata ko sa gitna

Papel tinta puso at salita

Tuwing sasampa ako ay sabik na

Gusto ko nang sindihan yung mitsa

Balanse lamang ang timpla

Papel tinta puso at salita

Malamang mayanig kaya kumapit ka

‘Pagkat gusto ko nang sindihan ‘tong mitsa

Kung minsan parang ang sarap bumalik sa pinagmulan

Tanggalin ang muwang kahit na saglit na makita ko lang yung batang paslit na sabik sa ulan

Walang problema kung walang malaking laruan

Lumaki naghanap ng salapi kaso lang sa landas kung saan dapat

Aking apuyan hanggang maging abo ang entabladong nais tungtungan

Upang makarating sa rurok umakyat nahubog sa pagrap pagsubok

Hinarap nagbakasakaling may mabuong alamat sa sulok sa lapag

Kahit na ang tulog ay hindi sapat sa bubong maglakad masunog ang balat

Kahit tumaob nabuhos ko lahat

Ang sandata ko sa gitna

Papel tinta puso at salita

Tuwing sasampa ako ay sabik na

Gusto ko nang sindihan yung mitsa

Balanse lamang ang timpla

Papel tinta puso at salita

Malamang mayanig kaya kumapit ka

‘Pagkat gusto ko nang sindihan ‘tong mitsa

Mitsa (feat. Mikerapphone) от Apekz - Тексты & Каверы