menu-iconlogo
logo

Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko'Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa

logo
Тексты
Pasko na naman

Pasko na naman

Kaya kami ngayo'y naririto

Upang kayong lahat ay aming handugan

Ng iba't ibang himig na pamasko

Ang Pasko ay sumapit

Tayo ay mangagsi awit

Ng magagandang himig

Dahil sa ang Diyos ay pag ibig

Nang si Kristo ay isilang

May tatlong haring nagsidalaw

At ang bawa't isa ay nagsipaghandog

Ng tanging alay

Bagong Taon ay magbagong buhay

Nang lumigaya ang ating bayan

Tayo'y magsikap upang makamtan

Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsi awit

Habang ang mundo'y tahimik

Ang araw ay sumapit

Ng sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan

Ating sundin ang gintong aral

At magbuhat ngayon

Kahit hindi Pasko ay magbigayan

Sa maybahay ang aming bati

Merry Christmas na maluwalhati

Ang pag ibig pag siyang naghari

Araw araw ay magiging Pasko lagi

Ang sanhi po ng pagparito

Hihingi po ng aginaldo

Kung sakali't kami'y perhuwisyo

Pasensya na kayo't kami'y namamasko

Ang Pasko ay sumapit na naman

Kaya tayo ay dapat na magdiwang

'Pagkat ngayon ay araw ng pagsilang

Ni Hesus na 'di natin malilimutan

Halina tayo ay manalangin

Ng tayong lahat ay kanyang pagpalain

Ang Pasko ay ating pasayahin

Sa pagmamahalan natin

Maligayang Pasko sa bawat tahanan

Ang dalangin namin sana ay makamtan

Masaganang buhay sa taong darating

Ang maging palad sana natin

Dinggin lamang ang dalangin

Darating ang hangarin

Sama sama na awitin

Ang isang Ama Namin

May gayak ang lahat ng tahanan

Masdan n'yo at nagpapaligsahan

May parol at ilaw bawa't bintana

May sadyang naiiba ang ibang kulay

Kay ganda ang ayos ng simbahan

Ang lahat ay inaanyayahan

Nang dahil sa pagsilang

Sa sanggol na siyang maghahari

Ng panghabang panahon

Ang pasko'y araw ng bigayan

Ang lahat ay nagmamahalan

Tuwing pasko ay lagi nang ganyan

May sigla may galak ang bayan

Maligaya maligayang

Pasko kayo'y bigyan

Masagana masaganang

Bagong tao'y kamtan

Ipagdiwang ipagdiwang

Araw ng Maykapal

Upang manatili sa atin ang kapalaran

At mabuhay na lagi sa kapayapaan

Mano po ninong mano po ninang

Narito kami ngayo'y

Humahalik sa inyong kamay

Salamat ninong salamat ninang

Sa aginaldo po ninyong ibibigay

Pasko na naman

Pasko na naman

Kaya kami ngayo'y naririto

Upang kayong lahat ay aming handogan

Ng iba't ibang himig na pamasko

Maligaya maligaya

Maligayang Pasko sa inyong lahat