menu-iconlogo
logo

PagIbig

logo
Тексты
Pag Ibig by Apo Hiking Society

No’ng tangan ng nanay ang

munting mong mga kamay

Ika’y tuwang tuwa, panatag ang loob

Sa damdaming ika’y mahal

No’ng nakilala mo ang una mong sinta

Umapaw ang saya at siya’y ibang iba

Sinasamsam ang bawat gunita

CHORUS

Hindi mo malimutan kung

kailan nagsimulang

Matuto kung papa’no magmahal

At ‘di mo malimutan

kung kailan mo natikman

Ang una mong halik,

yakap na napakahigpit

Pag ibig na tunay hanggang langit

No’ng tayo’y nagkakilala

nang hindi sinasadya

Ikaw lang ang napansin,

nahuli sa isang tingin

At sa pagbati mong napakalambing

CHORUS 2

Hindi ko malimutan kung

kailan nagsimulang

Matutong ikaw lang ang mahalin

At ‘di ko malimutan

kung kailan ko natikman

Ang tamis ng ‘yong halik,

yakap na napakahigpit

Pag ibig mong tunay hanggang langit

‘Di ko malimutan kung kailan ko natikman

Ang tamis ng iyong halik,

yakap na napakahigpit

Pag ibig mong tunay hanggang langit

‘Di ko malimutan kung kailan ko natikman

Ang tamis ng iyong halik,

yakap na napakahigpit

Pag ibig mong tunay hanggang langit

by DaryllRab, Enjoy!

PagIbig от Apo Hiking Society - Тексты & Каверы