menu-iconlogo
huatong
huatong
Тексты
Записи
Kay lamig na ng gabi sa ilang

Habang ang bituin ay nag-aabang

Giliw ko sa'king sinapupunan

Kay lapit mo nang isilang

Aming pakikipagsapalaran

Upang makahanap ng tahanan

Abut-abot ang kaba sa dibdib

Kay lapit mo sa panganib

O giliw kong anak

Tupad na pangarap ko

Pagsilay mo sa ating mundo

Maging tahanan ng mahirap

At puso mo'y tanggulan ng aba

Sa kapaguran ng 'yong amain

Ang disyertong pilit n'yang bagtasin

Animo'y walang patid ang lawak

Buhay natin kanyang hawak (buhay natin kanyang hawak)

O giliw kong anak

Tupad na pangarap ko

Pagsilay mo sa ating mundo

Maging tahanan ng mahirap

At puso mo'y tanggulan ng aba

Liwanag ng unang pasko

Hesus bituin ng mundo

O giliw kong anak

Tupad na pangarap ko

Pagsilay mo sa ating mundo

Maging tahanan ng mahirap

At puso mo'y tanggulan ng aba

Kay lamig na ng gabi sa ilang

Habang ang bituin ay nag-aabang

Giliw ko sa'king sinapupunan

Kaunting tiis na lang

Tahanan nati'y daratnan

Еще от Ateneo Chamber Singers

Смотреть всеlogo

Тебе Может Понравиться