menu-iconlogo
logo

Laging Nasa Piling Mo

logo
avatar
Curse Onelogo
♏𝗦𝗦𝗙♻️⃝🐉ᗪᗩᖇKᑎIᖇTᕼ❎logo
Пой в Приложении
Тексты
Oh, woh, woh, Ooooh,

Wowowoh, Oh yeah. Oohh,

Mahal kita, kahit ano pa ang mangyari satin.

Hindi mo na kailangan pang pansinin

Ang mga maliit na bagay na pilit naglalayo sa atin,

Salamat dun sapagkat hindi ka nagpapadala sa anomang suliranin.

Kaya sobrang ganda ang mabuhay,

Lalo na ikaw ang dahilan ko

Kung bakit nandito ako sa mundo

Na puno ng saya, salamat talaga.

Dahil sayo, kahit alanganin ang lagay,

Kahit minsan hindi mapalagay

Ang dibdib mo basta't isipin mo nandito lang ako,

Pagkat ikaw lang ang nagmahal sakin ng ganito...

Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)

Sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)

Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta,

Dala-dala ko ang pag-ibig mo.

Asahan mong ako'y Laging Nasa Piling Mo...

Kahit lagi ka nalang nagtatampo at ako

Ay tila ba nananahimik nalang,

Ay ayos lang (ay ayos lang) wala sakin yon,

Ang mahalaga tayong dalawa ay masaya,

Hawak ang pangarap natin para sa isa't-isa.

Ikaw at ako, walang dulo ng mundo

Na pwedeng humarang sa pagmamahalan natin.

Pag-ibig ang syang namamagitan satin

Kaya wala kang dapat ipag-alala,

Ako'y Laging Nasa Piling Mo...

Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)

Sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)

Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta

Dala-dala ko ang pag-ibig mo.

Asahan mong ako'y Laging Nasa Piling Mo...

Oohhwowh, Hoohh, Ooohh yeahh!

Laging nasa piling mo...

Diba alam mo namang hindi ko magagawang

Iwanan ang isang katulad mo sa anomang

Pagsubok na dumating sating dalawa,

Alam kong mahirap ang mabuhay pero hindi ko dama

Ang pasakit ng mundo, dahil sayo,

Makasama lang kita lahat ay iindahin ko,

Anomang hilingin mo, mahal pipilitin kong gawin

Kung may pagpipilian man, ikaw pa rin

Ang pipiliin ko sa kabila nang lahat,

Pagmamahal ko sayo, walang makakatapat

Sapagkat ikaw ang hulog sakin ng itaas,

Ikaw ang syang nagbigay ng lakas,

Nang lakas ng loob at hangin sa paghinga, paghinga,

Ikaw ang laman sa bawat pahina, pahina.

Istorya ng pag-ibig na hindi magtatapos

Hanggang sa kabilang buhay, mamahalin kita ng taos...

Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)

Sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)

Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta

Dala-dala ko ang pag-ibig mo

Asahan mong ako'y Laging Nasa Piling Mo

Laging Nasa Piling Mo от Curse One - Тексты & Каверы