menu-iconlogo
logo

Kukote

logo
Тексты
May araw na palaging gabi

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng ating kukote

Gaano man kadilim

Magliliwanag parin

Nakikita ba ang bahagharing itim

Ang buwan na bulok

Ang basag na bituin

Naririnig din sa buong papawirin

Bihag ang kulog kidlat ay alipin

May ulap na

May gubat may dagat pa

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Langit ay liliparin

Kahit ang hangin ng himpapawid

Punong mahimbing ay lilim ng lagim

Pusod ay puntod

Puso ay balong malalim

Magsisi nay hindi pinagsisisihan

Paligid ay isang panaginip lang

Umaambon umulan bumabagyo

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng ating kukote

Umiiyak ang Diyos, hahalakhak pagkatapos

Nabasa ka kaya sa patak na bumuhos

Humahaba na ang luha

Sa pagpalakpak ng unos

Lumubog man ang lupa

May ilog parin na aagos

Malaya e malawak

Malaya't di nakagapos

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Sa mata ng aking kukote

Kukote от Dong Abay - Тексты & Каверы