Ikaw ay nagdaramdam puso ay nagdurugo
Hindi mo yata alam kung san ka patungo
Ikaw ay naliligaw isip ay nalilito
Ayaw mo ng gumalaw hindi ka sigurado
Ikaw ay napupuwing minsan nabubulagan
Mata ay nakapiring daan ay kadiliman
Ikaw ay nadadapa napipilayan din
Di makapagsalita anung ibig sabihin
Wala, wala namang wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ano ba ang epekto kung meron kang depekto
Ikaw ay nawawala minsan ay nawawalan
Di ka naniniwala puno ng alinlangan
Ikaw ay nanliliit ligtas ka ba sa rehas
Bakit ka nakapiit bakit ka tumatakas
Ikaw ay natatakot parang walang hangganan
Ang kirot ng bangungot di mo makalimutan
Ikaw ay nanlulumo bilang na ba ang araw
Gusto mo ng sumuko, mundo ay nagugunaw
Wala, wala namang wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto
Ikaw ay inaalon walang kalaban laban
Tuluyang nalulunod tungo sa kalaliman
Ikaw ay nalulula agad kang nahuhulog
Babagsak sa lupa at biglang madudurog
Ikaw ay nagdurusa kaya pa bang tumagal
Hindi na makahinga lalo pang nasasakal
Ikaw ay dumadaing dala mo ba ay sumpa
Para kang ililibing at ipinagluluksa
Wala, wala namang wala namang perpektong tao
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto?
Ano ba ang epekto
Kung meron kang depekto
Wala wala namang
Wala namang perpekto
Anu ba ang epekto kung meron kang depekto
Wala namang perpektong tao
Boy pangkistaaa babushh!