Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko
Ganito kasi yan eh...
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero
marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay
walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na
hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi
ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko
sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan
sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang
siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal
ng bigas namin ay di puno
Ang ding ding ng bahay namin
ay pinagtagpi tagping yero
Sa gabi ay sobrang init
na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin
upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang
takuring uling uling
Gamit lang panggatong na
inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina
sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may
kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang
aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa
maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na
makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...
Wag kang masyadong halata
Bato bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)