menu-iconlogo
logo

Torpedo

logo
Тексты
"Torpedo" Gloc9

(feat. JP Cuison of Kiko Machine)

(originally by Eraserheads)

Pasensya na kung ako

ay hindi nagsasalita

Tandang tanda ko pa simula

pa nang mga bata pa tayo

Una kang nasilayan nang

lumipat ka saming baryo

Nilapitan ka't kinausap at

tayo'y naging magkaiban

Laging mong kakwentuhan sa

Manggahan ang ating na tambayan

Di ko alam kung bakit

damdamin sadyang napalapit

Gustuhin ko mang sabihin

ako'y kaibigang matalik

Ng lalake na sayo'y

gabi gabi ang panliligaw

Ika'y sakin nagtanong at

para bang nagpahapyaw

Na ako ang syang nakakaalam

kung ano ang mas tama

Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya

At sinabi ko ang taong

yan ay mapagkakatiwalaan

Di ka sakin sumagot

nabalitaan ko na lang

Chorus:

Wag mo na akong pilitin

Ako ay walang lakas

ng loob para tumanggi

Walang dapat ipagtaka

Ako ay pinanganak na torpe

Sa ayaw at hindi

Lumipas ang 10 taon

nasa Maynila ka na raw

Hindi kayo nagkatuluyan

may trabahong di sa araw

At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi

Upang takpan ang iyong lungkot

at ang luha sa iyong ngiti

Ako'y nagsisi, kung alam

ko lang di sana'y noon pa

Hindi ko na pinagpaliban

ang aking nadarama

Kung bibigyan lang ako

ng isa pang pagkakataon

Ibabalik ko kung ano man

ang mayroon tayo noon

Isisigaw ng malakas

hindi ko na ibubulong

Damdamin ko para sa'yo

dalangin sana'y may tugon

Na ang noon ay mahawakan

at makasama ngayon

Hanggang bukas at sa marami

pang susunod na taon

Chorus:

Wag mo na akong pilitin

Ako ay walang lakas

ng loob para tumanggi

Walang dapat ipagtaka

Ako ay pinanganak na torpe

Sa ayaw at hindi

Isang gabi habang ako'y

nakaupo sa harapan

Ng aming bahay at tila

ba nakatulala sa buwan

Ay may isang babae na

sakin lumapit at nagsalita

Di nakapagsalita ako'y napatulala

Lubos ang aking ligaya

hindi makapaniwala

Siguro'y panahon na

upang kami'y magkasama

Hinawakan ko ang kanyang

malambot na palad

Singsing na may bato

ang sa akin ay tumambad

Ikaw pala'y ikakasal at

sa akin ay magpapaalam

Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam

Ang tunay kong nadarama

bakit parang alam mo na

Sa pagtalikod ay may

tumulong luha sayong mata

Chorus:

Wag mo na akong pilitin

Ako ay walang lakas

ng loob para tumanggi

Walang dapat ipagtaka

Ako ay pinanganak na torpe

Sa ayaw at hindi

Pasensya na kung ako ay

hindi nagsasalita

Pasensya na kung ako ay

hindi nagsasalita

Thanks for singing!

Torpedo от Gloc 9/JP Cuisine - Тексты & Каверы