menu-iconlogo
logo

Ang Probinsyano

logo
Тексты
Kami'y bikolano, tausug,

davaoenyo, ilokano

Kapampangan, boholano,

tsabakano, kabitenyo

Panggalatok, bisaya,

rizalenyo, batanggenyo

Waray, maranaw, ilonggo at zamboanggenyo

Iwasang mong titigan ako pababa

Na parang turo ng mga mababang tuka

Tila di mahalaga kung sa'n ako nagmula

Mali ka dahil 'yan ay hindi ko ikakahiya

Kahit ako ay probinsyano,

di uurong kahit dehado

Pag sumipat asintado,

dahil ako ay probinsya a no

Di aatras, di lulubog

Di sumusuko anumang laban

Lupet at lakas kahit madulas

Walang takot na lalakaran

Nagpapatigas kahit marahas

Ay buong tapang walang alinlangan

Alagad ng batas na siyang tagalutas

Siya palagi mong maaasahan

Kahit ako ay probinsyano,

di uurong kahit dehado

Pag sumipat asintado,

dahil ako ay probinsya a no

Siya ay galing sa probinsya,

ang isa'y taga Maynila

Nagsimula'ng lahat nang

may buhay na sinilang

Iisang wangis sa pangyayaring pambihira

Kailangang pasanin

para lamang 'di masira

Ang iniwan at sinimulan,

'di takot kanino man

Sa ngalan ng batas lakas

ng tawag ay tutugunan

Habulin man ng bala 'di nya alintana

Para sa tao na kapareho ng mukha nya

Kakambal, sa kanya sumandal

Kapag binunot mo ang

bakal samahan mo ng dasal

Dahil di mo masasabi

ang daan na tatahakin

Pag kumilos ang gatilyo

na tila mula sa'kin

Kaya iwasan mong titigan ako pababa

Na parang turo ng mga mababang tuka

Tila di mahalaga kung sa'n ako nagmula

Mali ka dahil 'yan ay hindi ko ikakahiya

Di aatras, di lulubog

Di sumusuko anumang laban

Lupet at lakas kahit madulas

Walang takot na lalakaran

Nagpapatigas kahit marahas

Ay buong tapang walang alinlangan

Alagad ng batas na siyang tagalutas

Siya palagi mong maaasahan

Kahit ako ay probinsyano,

di uurong kahit dehado

Pag sumipat asintado,

dahil ako ay probinsya a no

Kahit ako ay probinsyano,

di uurong kahit dehado

Pag sumipat asintado,

dahil ako ay probinsya a no