menu-iconlogo
logo

Sirena (Acoustic Version)

logo
Тексты
Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila

ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila

bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso,

saki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga,

sa'kin kayo ay bibilib

Simula pa nang bata pa ako,

Halata mo na kapag naglalaro

Kaya parang lahat ay nalilito,

Magaling sa chinese garter at piko

Mga labi ko'y pulang pula,

Sa bubble gum na sinapa

Palakad lakad sa harapan ng salamin,

Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"

Habang kumekembot ang bewang,

Mga hikaw na gumegewang

Gamit ang pulbos na

binili kay Aling Bebang

Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

Na galing sa aking ama

Na tila di natutuwa sa

tuwing ako'y nasisilayan

Laging nalalatayan,

Sa paglipas ng panahon

ay di ko namamalayan

Na imbes na tumigas ay

tila lalong lumambot

Ang puso kong mapagmahal

Parang pilikmatang kulot.

Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila

ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila

bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso,

saki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga,

sa'kin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako

Teka muna mali, dalaga na pala 'to

Pero bakit parang lahat

ay nalilito pa rin

Ano bang mga problema nyo?

Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,

Sa dapat makita ng inyong mata

Sa tuwing nanonood ng

liga laging natutulala

Kahit di pumasok ang

bola ako'y tuwang tuwa

Kahit kinalyo na sa tapang,

kasi ganun na lamang

Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

Tama na naman itay, di na po ako pasaway

Di ko na po isusuot ang

lumang saya ni inay

Kapag ako'y naiiyak

ay sumusugod sa ambon

Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

Kasi araw araw na lamang

ay walang humpay na banat

Ang inaabot ng ganda kong

pang ilalim ng dagat

Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila

ako ay ubod ng ganda

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila

bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso,

sa'kin dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga,

sa'kin kayo ay bibilib

Lumipas ang mga taon, nangagsipag asawa

Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama

Nagpakalayo layo ni hindi makabisita

Kakain na po itay,

nakahanda na'ng lamesita

Akay akay sa paglakad

paisa isang hakbang

Ngayo'y buto't balat ang

dati matipunong katawan

Kaya sa iyong kaarawan,

Susubukan kong palitan

Ang lungkot na nadarama,

wag na po nating balikan

Kahit medyo naiinis hindi

dahil sa nagka cancer

Kasi dahil ang tagapag alaga

mo'y naka duster

Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit

Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

Anak, patawad sana sa

lahat ng aking nagawa

Di sinusukat ang tapang

at ang bigote sa mukha

Dahil kung minsan mas lalaki

pa sa lalaki ang bakla

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalakihang mga braso,

saki'y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga,

Sa'kin kayo ay bibilib

Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera ko'y di tutumba