menu-iconlogo
logo

Sagwan

logo
Тексты
Kahit malalim lulusungin ko

Lahat ng alon haharangin ko

Kahit malayo tatahakin ko

kung ito’y babalik sayo

Marami beses man lumisan pa

sayo parin palagi ang punta

Kahit ilang bagyo wala sa akin

Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin

Ibat iba man ang gawain

Halinat kilalanin mo ako

man ay pasalinsalin

Parang ihip ng hangin

Kailangang unawain nyo ako

Si Domingo Evagelista ako’y

nanggaling pa probinsya

Lumuwas don sa maynila

baka sakali lang kumita

Ng pang gastos sa bawat araw

nangangarap na balang araw

Mag sagwan sa malaking

bangka ang tawag ay barko

Taga hugas ng pinggan pagkatapos

ligpitin ang pinagkainan

Uniporme ko puti na palagi madume

huwag nyo na tignan inyo pakinggan

Ang kwento ng bawat tao sa dagat

pa lutang lutang sa tubig alat

Makapag trabaho ang tanging balak

Para sa pamilya handang sumabak ang mga

Seaman ang tawag sa amin

Ibat iba man ang gawain

Halinat kilalanin mo ako

man ay pasalinsalin

Parang ihip ng hangin

Kailangang unawain nyo ako

Akoy mang aawit sa barko pag

gabi tawag sa akin ay Rey

Pero pangalan ko ay Reni

sunud sunod ang mga tip

Kaya laging may pangbili

kahit ano kakantahin

Basta malakas ang tili kapag bumirit

kinikilig lahat ng kababaihan

Oo ang sagot kahit

hindi ko pa nililigawan

Halo halong pabango na

ang kumapit sa unan

Hindi na mabilang kaya

ngayon may karamdaman

Ako naman si Tonio ang

kanang kamay ng kapitan

Asensado na tila ba walang

mapaglagyan ng salapi

Pag uwe mahirap mag ngiti parang mali

Ang tubo ng mga iniwang kong

binhi na lulong sa bisyo at

Tumigil na sa pag aaral palaging

naka ngiti ang kilos ay tila mabagal

Ang mahal ko asawa tangay

ang lahat ng takal

Karangyaan pa pala ang syang

dahilan ng sagabal sa buhay

Kahit malalim lulusungin ko

Lahat ng alon haharangin ko

Kahit malayo tatahakin ko

kung ito’y babalik sayo

Marami beses man lumisan pa

sayo parin palagi ang punta

Kahit ilang bagyo wala sa akin

Makakapigil pa makita lang kita

Napunasan ko na po ang

kahuli hulihang plato

Nalinisan ko na din at

mabango na mga banyo

Habang nagpapahinga at

mag isa sa aking kwarto

Paulit ulit ko sinasabi

ang aking pangako

Sa aking pamilya at mga anak

asawang na iwan sa Pilipinas

Nakakaiyak man di binitawan larawan

nyo khit pa nasusuka na ako sa alon

Ang inyong kinabukasan ang syang

tanging ko baon at ng lumaon

ay makauwe sabay na umahon

Sa kahirapan na bahagi

na lamang ng kahapon

Pero sanay maintindihan upang

muling masindihan natin ang kalan

at ng malagyan ang hapagkainan

Lalayo muli dadaong sa ibang bayan kahit

madalas ay dagat lang ang nasisilayan

Sampu ng mga kababayan ko

tinitibayan pag asa tangan tangan

na sing tibay ng kawayan

Kahit malalim lulusungin ko

Lahat ng alon haharangin ko

Kahit malayo tatahakin ko

kung itoy babalik sayo

Marami beses man lumisan pa

sayo parin palagi ang punta

Kahit ilang bagyo wala sa akin

Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin

Ibat iba man ang gawain

Halinat kilalanin mo ako

man ay pasalin salin

Parang ihip ng hangin

Kailangan unawain nyo ako

Sagwan от Gloc 9/Monty of Mayonnaise - Тексты & Каверы