Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo hari ng tondo 2
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo hari ng tondo ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Minsan sa isang lugar sa maynila
Maraming nangyayare
ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat
Animoy Kagat kagat
Kahit itagoy di mo pedeng
pigilin ang alamat
Na umusbong,
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkulong
Sa kamay ng iilan umaubosong kikilan
Ang lahat ng pumalag
walang tanong ay kitilan,
Ng buhay, hukay, nuhay magpapatunay
Na kahit hindi makulay
kailangang mag bigay pugay
Sa kung sino ang lamang
Mga bitukang Halang
At kung wala kang alam
ay yumuko ka nalang
Hanggang sa may nag pasya
na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena
na syang gumagapos
Sa kwento na mas astig pa
sa bagong tahi ng lonta
Sabay sabay nating hawiin
ng tabing na tolda
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo hari ng tondo 2
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo hari ng tondo ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Nilusong ang kanal na sa
pangalan nyay tumawag
Alang alang sa iba tsaka
na muna ang paawat
Sa mali na nagagawa na
tila na nagiging tama
At ang tunay na may kaylangan
ang syang pinatatamasa
Lahat silay takot
nakakapaso ang iyong galit
Mga bakal na may nag
babagang tinga papalit palit
Sa hangin na masangsang
nakakapanga hina ang nana
At Hindi mo matangal na
parang bang sima ng pana
Na nakulawit, subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang
ng iisang bulaklak
Ang syang tanging nag
hahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit
na kahit na sino man
Ngunit ng dumating ang araw
na gusto nya ng talikuran
Ay huli na ang lahat at
sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tinga
tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon alam mo na ang
kwento ni Asiong Salonga
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo hari ng tondo 2
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo hari ng tondo ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo