Magdalena ano'ng problema
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Simulan na natin ang istorya
Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat 'nyong malaman
'Wag nang magbulag bulagan
Bakit ang nais natin ay
malaman ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita
Kilala mo ba si Magda?
Na aking kababata mula pa ng pagkabata
Kami lagi magkasama mga
bangkang papel sa sapa
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
At pag siya'y dumadaan
mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman
pinilit kong isara
Ang bibig at pintig
ng puso para sa kanya
At sa sayawan matapos
kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha
ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay
ay nagmamadaling hinila
Pinakilala niya lalaki na taga Maynila
Magdalena ano'ng problema
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?
Maraming taon ako'y nalipasan
Pinilti ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman
Ang tunay kong kailangan
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
Minamahal ko s'ya
Hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi'y
kanyang pinagtatrabahuhan
Nakita ko'ng larawan niya
na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng
buhok 'di ko malilimutan
Ang kanyang mata at
tamis ng kanyang ngiti
At dahil ubod ng saya
hindi na nag atubili
Agad pumasok sa silid
pero bakit ang dilim
Madaming lamesa't mga
nag iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan
may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
Bakit s'ya sumasayaw na
sapatos lang ang suot?
Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Ituloy natin ang istorya
Agad siyang sumama
sa'kin walang kakabakaba
Ang trato niya sa'kin ay
nobyo tila katakataka
Bumaba sa ta i ng pinara sa Sta. Mesa
Parang ako'y bida sa
mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip
ayoko nang magising
Ngunit ako'y nanaginip
umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang
ay may sobre sa lapag
Liham para sa'kin na
isinulat niya magdamag
Kahit gulong gulo ang
isip pinilit kong basahin
'Di malilimutan ang mga
sinabi niya sa akin
Mahal kong Ernesto alam
kong tulog mo'y malalim
'Di na 'ko nagpaalam
'di na kita ginising
Salamat nga pala sa
pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Nung iniwan ko ang baryo
natin ang akala ko
Isang tunay na pag ibig
ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan saan
at kung kani kanino
'Di ko inakalang ito
ang kahahantungan ko
Imbis na ako'y sagipin
itinulak sa bangin
Ito pala'ng ibig sabihin
ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura
ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran
at kaladkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway
ng iba't ibang lalake
Isa lang ang kaya kong
sayo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging
hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
Ako may natutuwa dahil
ako'y iyong nahanap
Wala na yatang walis ang
makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa'yo
ay 'di karapat dapat
Pinangarap kong sa altar
ako'y iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait
ang puso ko'y namanhid
'Di ko makakalimutan
ang pabaon mong halik
Pero pakiusap huwag ka
na sana pang babalik
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa ala ala, nagmamahal Magda
Magdalena ano'ng problema
Bakit 'di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa'yo?
Ito'y kwento ng isang babae