menu-iconlogo
logo

Lando

logo
Тексты
Lando (MeTaL)

by Gloc 9

(feat. Francis M.)

created by

(PaRT 1 a bit challenge for U)

Wag kang mabahala may

nagbabantay sa dilim

Nakaabang sa sulok at

may hawak na patalim

Di ka hahayaan na muli pang masaktan

Wag ka nang matakot sa dilim

Ito ay kwentong hango na galing

sa dalawang taong

Nagmamahalan ng tunay

ang ngala'y Elsa at Lando

At kahit parang pagkakataon

ay nakakandado

Dahil magkalayo

ang uri ng buhay

ang estado Ng buhay ni Lando ay

di nalalayo sa marami

Sinunog ng araw ang kulay

ng balat at marami

Ng galon ng pawis ang

kanyang naidilig sa lupa

Upang ang gutom ay di na

masuklian pa ng luha

Habang ang babaeng kanyang

minamahal ay sagana

Ngunit kabilang sa pamilya

na di alintanang

Makipagkapwa tao sa mga

tulad niyang dukha

Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na

pinula ng pagibig

Wag kang mabahala may

nagbabantay sa dilim

Nakaabang sa sulok at

may hawak na patalim

Di ka hahayaan na muli pang masaktan

Wag ka nang matakot sa dilim

Kahit na ano pang bagay ang pilit

na ihadlang

Sino man ay walang makakapigil

sa paghakbang

Ng mga paa na ang nais ay marating

ang ligaya

Niyayang magtanan di nag atubili

na sumama

Hawak ang pangarap at pangako

sa isa't isa

Nagpakalayo layo di namuhay

na may kaba

Dahil alam nila na sa bawa't

isa'y nakalaan

At ang pagmamahalan tangi

nilang sinasandalan

Wala ng ibang bagay pa

silang mahihiling

Kundi isang pamilya sa loob ng

apat na dingding

At isang bubong na maaaring

tawaging tahanan

Bakit may pangit na kabanatang

kailangang daanan pa

Wag kang mabahala may

nagbabantay sa dilim

Nakaabang sa sulok at

may hawak na patalim

Di ka hahayaan na muli pang masaktan

Wag ka nang matakot sa dilim

(Sabay na para maiba naman)

Isang gabi na Huwebes

lumubog na ang araw

Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao

Upang ating paghatian

pagdating ng hapunan

Meron palang nakaabang

sa amin na kamalasan

Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa

Sa tagiliran isang makalawang na lanseta

Ang gamit upang makuha

lang ang kanyang pitaka

Kami'y mahirap lamang

bakit di na siya naawa

Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal

At hanggang sa huling

hantungan ay nagdarasal

Bakit po bakit po ang laging lumalabas

Sa 'king bibig palaboy laboy

ni walang landas

Akong sinusunod baliw sa mata ng marami

Siguro nga di ko na kilala aking sarili

Pangala'y taong grasa

may patalim na gamit

At ang tanging alam ay

isang malungkot na awit

At ang sabi...

Wag kang mabahala may

nagbabantay sa dilim

Nakaabang sa sulok at

may hawak na patalim

Di ka hahayaan na muli pang masaktan

Wag ka nang matakot sa dilim

Wag ka nang matakot sa dilim