menu-iconlogo
logo

Hari Ng Tondo

logo
Тексты
Kahit sa patalim kumapit

Isang tuka isang kahig

Ang mga kamay na bahid ng galit

Kasama sa buhay na minana

Isang maling akala

Na ang taliwas kung minsan ay tama

Ang hari ng tondo hari ng tondo

Baka mabansagan ka na hari ng tondo

Hari ng tondo hari ng tondo ohhh

Baka mabansagan ka na hari ng tondo

Minsan sa isang lugar sa maynila

Maraming nangyayare ngunit takot ang dilang

Sabihin ang lahat

Animoy Kagat kagat

Kahit itagoy di mo pedeng pigilin ang alamat

Na umusbong

Kahit na madami ang ulupong

At halos hindi iba ang laya sa pagkulong

Sa kamay ng iilan umaubosong kikilan

Ang lahat ng pumalag walang tanong ay kitilan

Ng buhay hukay nuhay magpapatunay

Na kahit hindi makulay kailangang mag bigay pugay

Sa kung sino ang lamang

Mga bitukang Halang

At kung wala kang alam ay yumuko ka nalang

Hanggang sa may nag pasya na sumalungat sa agos

Wasakin ang mga kadena na syang gumagapos

Sa kwento na mas astig pa sa bagong tahi ng lonta

Sabay sabay nating hawiin ng tabing na tolda

Kahit sa patalim kumapit

Isang tuka isang kahig

Ang mga kamay na bahid ng galit

Kasama sa buhay na minana

Isang maling akala

Na ang taliwas kung minsan ay tama

Ang hari ng tondo hari ng tondo

Baka mabansagan ka na hari ng tondo

Hari ng tondo hari ng tondo ohhh

Baka mabansagan ka na hari ng tondo

Nilusong ang kanal na sa pangalan nyay tumawag

Alang alang sa iba tsaka na muna ang paawat

Sa mali na nagagawa na tila na nagiging tama

At ang tunay na may kaylangan ang syang pinatatamasa

Lahat silay takot nakakapaso ang iyong galit

Mga bakal na may nag babagang tinga papalit palit

Sa hangin na masangsang nakakapanga hina ang nana

At Hindi mo matangal na parang bang sima ng pana

Na nakulawit subalit sa kabila ng lahat

Ay ang halimuyak lamang ng iisang bulaklak

Ang syang tanging nag hahatid sa kanya sa katinuan

At hindi ipagpapalit na kahit na sino man

Ngunit ng dumating ang araw na gusto nya ng talikuran

Ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan

Ipinasok ang tinga tumulo ang dugo sa lonta

Ngayon alam mo na ang kwento ni Asiong Salonga

Kahit sa patalim kumapit

Isang tuka isang kahig

Ang mga kamay na bahid ng galit

Kasama sa buhay na minana

Isang maling akala

Na ang taliwas kung minsan ay tama

Ang hari ng tondo hari ng tondo

Baka mabansagan ka na hari ng tondo

Hari ng tondo hari ng tondo ohhh

Baka mabansagan ka na hari ng tondo