menu-iconlogo
logo

Bisyo

logo
avatar
Honcho/Loonie/FLOW Glogo
❌〽️⟆𝛵𐌀𝜨⟆𝜢𐌀𝐷𐍅U0001faf0🦅logo
Пой в Приложении
Тексты
Hay nako, hindi kita dapat ginugusto

Oh, ano ba 'tong nakita ko sa ganda mo?

Para bang hindi na 'to tama

Mali na yata ang ginagawa

Kailan ka lang ba nakilala?

Pero kahit saan handa 'kong sumama

Walang iba pang mas sasarap pa sa pakiramdam nung nakilala kita

Iba kasi ganda mo ay nakakahalina, kaya piling ko tama kahit mali na

'Pag hindi ka makasama o nakita, nanghihina kasi ikaw ang bitamina

Ako ay natutukso, alam ko naman na 'di kita dapat ginugusto

Pero kahit na ano iutos mo susunod ako, handa kitang gawing mundo

'Yung mga ngiti na hinahatid mo, kinaadikan ko simula nang malasahan

Kaya para masamahan ka, tinatakasan ko lahat sila para hindi nila malaman

'Wag na 'wag kang mangangamba, 'di na nila ako maawat pa

Handang mapahamak para lang mahanap kita at mayakap na

'Di ka naman diwata pero bakit ba napakamahiwaga

Kaya ako namihasa na palagi kang kasama at 'di na 'ko nanawa

Hay nako, hindi kita dapat ginugusto

Oh, ano ba 'tong nakita ko sa ganda mo?

Para bang hindi na 'to tama

Mali na yata ang ginagawa

Kailan ka lang ba nakilala?

Pero kahit saan handa 'kong sumama

Nakakapagtaka 'pag nand'ya-d'yan ka na

Nakakataranta tadtad ng kaba, laglag ang panga

Sapagkat nakanganga na naman sa dalaga

Napakaganda, nawawala ng pansamantala

Ang mga problemang sanga-sanga at tyaka mga extrang dala-dala

Para kang serbesang napakasarap, dama ng sistema amat na amat

Ikaw ang prinsesang papakasalan talagang eksenang parang palabas

Sana may resetang ganyan kalakas para 'pag binentahan ka sa labas

Halagang sikwenta man o pataas, malakas dipensa laban sa batas

Madalas kung ano ang bawal, 'yun ang masarap gawin

Anuman ang mangyari, ikaw ay una sa lahat pa rin

Walang dahilan upang matuto sapagkat kahit

'Di mo man ako utusan aking kusa na kakantahin ang

Hay nako, hindi kita dapat ginugusto

Oh, ano ba 'tong nakita ko sa ganda mo?

Para bang hindi na 'to tama

Mali na yata ang ginagawa

Kailan ka lang ba nakilala?

Pero kahit saan handa 'kong sumama

Kahit saan mapunta, ikaw ang gusto ko

Ligaya ang dulot sa'kin, ba't ganto?

Kahit nakapikit na ika'y tumatakbo sa utak ko

Mukhang aliw ngayon sa bisyo na 'to

Ayokong may nakikihati sa'yo

Gusto ko sa'kin ka lang lagi at sa'yo lang ako

Kahit sabihin pang mali na ito

Sa piling mo ako may tama at lulong na ako

Hay nako, hindi kita dapat ginugusto

Oh, ano ba 'tong nakita ko sa ganda mo?

Para bang hindi na 'to tama

Mali na yata ang ginagawa

Kailan ka lang ba nakilala

Pero kahit saan handa 'kong sumama

Hay nako, hindi kita dapat ginugusto

Oh, ano ba 'tong nakita ko sa ganda mo?

Para bang hindi na 'to tama

Mali na yata ang ginagawa

Kailan ka lang ba nakilala?

Pero kahit saan handa 'kong sumama