Ding dong ding dong ding dong ding
Kampana ng simbahan
Ay nagigising na
At waring nagsasabi
Na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon
Tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin
Ang ating simbahan.
Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag asa.
Kinagisnang simbang gabi
Huwag nating limutin
Pagka't tayo'y may tungkulin
Sa panalangin
Ang kampana ng simbahan ay
Ay nanggigising na
Tayong lahat manalangin
Habang nagsisimba.
Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag asa.
Kinagisnang simbang gabi
Huwag nating limutin
Pagka't tayo'y may tungkulin
Sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan
Ay nanggigising na
Tayong lahat manalangin
Habang nagsisimba.
Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag asa.
Kampana ng simbahan
Ay nangigising na
At waring nagsasabi
Na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon
Tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin
Ang ating simbahan
Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag asa
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag asa.