Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
Nang may ngiti sa 'yong mga mata
Sa pagkakaidlip, gumising na
Ang buhay ay masaya, palalagpasin mo ba?
Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
Habang ang lakas, iyo pang taglay
Sa paghihintay, baka masanay
Sayang naman ang buhay, mawawalan ng saysay
Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo
Magsimula ka, pilitin ang tuklasin ang hanap
Magdanas man ng maraming hirap
Ang mithiin mo, 'pag naging ganap
Langit ng pagsisikap, iyo nang malalasap
Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo
Ohh ohh abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo
Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo, oh
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka
Simulan mo