menu-iconlogo
logo

Balewala

logo
avatar
Loonielogo
❌〽️⟆𝛵𐌀𝜨⟆𝜢𐌀𝐷𐍅U0001faf0🦅logo
Пой в Приложении
Тексты
Sa mundong mapanghusga, mapangmata, at mapanuri

Dapat hindi ka basta-basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri

Lalong-lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri

Sabi sa 'kin ni Bathala, "Matapang ka pala"

Pusong leon kaya dibdib mo ay walang mga daga

Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang

Samantalang ang kapalaran ay sa mga tala nakatala?

Kaya pala parang tamad na mag-aaral, walang kadala-dala

Walang pang baon, pero kahapon pa ako handa

Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka

Inakyat ang kabundukan at maghapong naggala

Inabutan ng dilim, muntikan na 'kong mawala

Sa sarili ko, 'pag gapang ko, wala 'kong makapa

Nasa dulo na pala ng bangin, wala nang kawala

Tumalon na lang kaya ako, kakayanin ko kaya?

Kaya ako'y napadasal, sabay salto padapa

"Bahala na si Batman, " 'yan ang saktong kataga

'Tsaka na 'ko gagawa ng mga pakpak ko pababa

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo

Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan

Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto

Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko

Andami talagang nais manira ng pangalan

Ngunit karamihan ay takot tumira ng harapan

'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban

Ngingitian ko na lamang at (yayakapin ko)

Kahit ga'no kapait ng naranasan

Masakit na nakaraang hindi ko matakasan

Walang awang tadhana ay tatawanan

Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay (yayakapin ko)

Sabi sa 'kin ni santanas "Mayabang ka pala"

"Tuturuan kita kung paano magpakumbaba"

"'Di ka na maiisasalba ng mga kanta mong gawa"

"Pa'no mo tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla?"

"Binaba ang dangal at nagpakahangal, para lang ikaw ay mahalin ng madla"

"At biniyayaan ng katanyagan, kaso lang halata na hindi ka handa"

"Kaluluwa kapalit kasikatan, 'yan ang usapang nakatakda"

"Sa kontratang 'to na may pangalan mo na nakalagda"

Teka lang, 'wag ka pakasigurado, 'di mo pa ako pag-aari

Dahil ang titulo ng kaluluwa ko'y nasa akin

At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin

Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata

At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik

Balewala ang pagod at sakit, basta pag-uwi, yakap at halik

Ng aking asawang malupit at dalawang anak kong makulit

Para sa kanilang kapakanan, gagawin ko lahat, anuman kapalit

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo

Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan

Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto

Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko, oh

Ano man ang hangarin sa akin ng langit, kakayanin ko, oh

Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin ay tila balewala

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait (tila balewala)

Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit (tila balewala)

Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik (tila balewala)

Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit

Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik

Tinanggap ang walang kwentang mga hamon

Para bilhin si Loonie, binenta ko si Marlon

Matalo man ngayon, bukas ang pwersa ko'y babangon

Pangako, mas malakas pa ng triple kaysa sa kahapon

At kung putapete ang kadebate, pare, 'di bale na lang

Walang pakialam, miski hirangin pinakamayabang

At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala

Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo

Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan

Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto

Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko, oh

Ano man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko, oh

Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin ay tila balewala

Andami talagang nais manira ng pangalan

Ngunit karamihan ay takot tumira nang harapan

'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban

Ngingitian ko na lamang at (balewala)

Kahit gaano kapait nang naranasan

Masakit na nakaraang hindi ko matakasan

Walang awang tadhana ay tatawanan

Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay (ay, ay, ay, ay)

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait (balewala)

Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit (balewala)

Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik (balewala)

Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit

Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik