menu-iconlogo
huatong
huatong
mc-einstein-habol-v2-cover-image

Habol V.2

MC Einstein huatong
Загружено rockinmatt
Haftway House, you know what I mean?

Bakit ba kumapit pa rin sa 'yo

Kahit na malapit-lapit mo na 'ko no'ng hiwalayan

At alam ko naman, ba't walang pakialam?

Tila nag-aabang na lang kung kailan ba 'yan

Para 'di masaktan pero ang 'di mo alam

Ay alam ko lahat ng mga plano mo, dati pa

Pero naniwala na hindi mo kaya, kasi nga

Sabi mo, kailangan mo ako

Bakit bigla kang lumayo?

Nahihirapan din naman ako

Sa tuwing naghahabol ako sa 'yo

Sabi mo kailangan mo ako

Bakit bigla kang lumayo?

Nahihirapan din naman ako

Sa tuwing naghahabol ako sa 'yo

Lagi-lagi na lang ba akong may kahati?

Sawa na ring pabalik-balik

Maski na sinasabing kakayanin

Ay 'di ko maiwasang masaktan kung ganyan nang ganyan

Tipong babalik ka dahil may babalikan

At ako'y heto naman, pinagtiyatiyagaan

Dahil pinaniwalaan ka

Kasi sabi mo, kailangan mo ako

Bakit bigla kang lumayo?

Nahihirapan din naman ako

Sa tuwing naghahabol ako sa 'yo

Sabi mo, kailangan mo ako

Bakit bigla kang lumayo?

Nahihirapan din naman ako

Sa tuwing naghahabol ako sa 'yo

Sabi mo, kailangan mo ako

Bakit bigla kang lumayo?

Nahihirapan din naman ako

Sa tuwing naghahabol ako sa 'yo

Тебе Может Понравиться

Ещёlogo

Похожие плейлисты

Ещёlogo