menu-iconlogo
logo

Dito Ka Lang

logo
Тексты
Ika'y dumating na parang ihip ng hangin

Ako'y nakahinga dahil sa'yo

Tadhana ma'y 'di natin pwedeng alamin

Liliwanag ang daan tungo sa'yo

Dito ka lang sa puso ko

Kung ito'y pag-ibig nga

Takot ay 'di na dama

Dito ka lang palagi

Sa aking tabi, lahat kayang harapin

Kung dito ka lang

'Di mapigilan ang lungkot na nadarama

Para bang dahong ligaw sa hangin

At nung dumating ka parang magandang panaginip

Kasama ka sa buwan tuwing gabi

Dito ka lang sa puso ko

Kung ito'y pag-ibig nga

Takot ay 'di na dama

Dito ka lang palagi

Sa aking tabi, lahat kayang harapin

Ang buong lakas ay ibibigay ko kahit masaktan

Ika'y pupuntahan, kahit sa'n ka man

Kung kailangan mo ako aking mahal

Dito ka lang kahit puso ko'y

Pagod at parang 'di na kaya, mamahalin pa rin kita

Dito ka lang palagi

Sa aking tabi, lahat kayang harapin

Dito ka lang

Dito sa aking tabi

Dito ka lang