menu-iconlogo
logo

Kumpas

logo
avatar
Moira Dela Torrelogo
🍌🄴🄽🅈🄴°✨ᵇᵃⁿᵃⁿᵃ♫logo
Пой в Приложении
Тексты
Pano bang mababawi

Lahat ng mga nasabi

Hmmmm

Di naman inakalang

Ika'y darating lang bigla

Ng walang babala

Sa isang iglap

Nag bago'ng lahat

Hindi ko na kaya

Pa na magpanggap

Ikaw ang kumpas pag naliligaw

Ikaw ang kulay sa langit na bughaw

Sa bawat bagyo na dumadayo

Ikaw ang kanlungan na kailangan ko

Kahit hindi mo alam

Ilang beses mo akong niligtas

Ikaw ang hantungan, at aking wakas

Pano'ng maniniwala

Ika'y nasaking harapan

Hmmmm

Di naman naiplano

Ako'y mabihag ng ganto

Totoo ba ito?

Sa isang iglap

Nag bago ako

Hindi ko na kayang

Mawalay sayo

Ikaw ang kumpas pag naliligaw

Ikaw ang kulay sa langit na bughaw

Sa bawat bagyo na dumadayo

Ikaw ang kanlungan na kailangan ko

Kahit hindi mo alam

Ilang beses mo akong niligtas

Ikaw ang hantungan, at aking wakas...

Ha haaaa ahh

Ha haaaa ahh

Ha haaaa ahh

Sana'y iyong matanggap

Kung sino ako talaga

Ikaw yung kumpas nung naliligaw

Naging kulay ka sa langit na bughaw

Sa bawat bagyo na dumayo

Ikaw yung kanlungan na nahanap ko

Kahit nung di ko alam, ilang beses mo akong niligtas

Ikaw ang hantungan at aking wakas