menu-iconlogo
huatong
huatong
Тексты
Записи
Nagbubulungan ang silid

Nakatingin ka sa sahig

Tanging hiling mo lamang ay hindi ka mapansin

Naglulutang ang iyong isip

At lumalabo ang tingin

Sana'y mga sigaw nila'y di mo naririnig

Mahirap man 'di mainis

Tumingala ka lang at 'wag mag-paapi

Bigyang dangal ang iyong sarili

Hindi ka nila kayang basagin

Magmula ngayon ika'y magniningning

Para magsilbing anting-anting

Magmula ngayon ika'y magniningning

Para magsilbing anting-anting yeah

Minsan tinatanong (minsan tinatanong)

Ang sarili kung bakit

Mo tinataboy tuwing ako'y lalapit

Ba't sila ganon (ba't sila ganon)

Na lang makapanglait

Tiwala ako sa sarili parang dinagit

Palayo pwede bang makipag kaibigan

Kahit na di mamahalin aking mga kasuotan

Na maong baro lalo na sapatos relo telepono

Kelan matatapos

Ang mapanghusgang paningin ng lahat

Ang iyong halaga dapat may katapat

Maliit ka pa rin kahit na iangat

At hindi totoo ang mga alamat

Pero pwedeng tumalon (pwede)

Pwedeng maniwala magtiwala ka lamang at si bathala ang bahala (bahala)

Sa mga pangarap na dinudungaw mo sa bintana (bintana)

Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala

Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala

Magmula ngayon ika'y magniningning

Para magsilbing anting-anting

Magmula ngayon ika'y magniningning

Para magsilbing anting-anting

Anting-anting

Magmula ngayon ika'y magniningning

Sa iba'y magsisilbing anting-anting

Maging isang tugon sa mga naaapi

At tayo'y magsilbing anting-anting

Magmula ngayon ika'y magniningning

Para magsilbing anting-anting

Magmula ngayon ika'y magniningning

Para magsilbing anting-anting

Magmula ngayon (magmula ngayon)

Magmula ngayon (ako'y magniningning)

Magmula ngayon (magmula ngayon)

Magmula ngayon

Magmula ngayon

Magmula ngayon (pwedeng tumalon pwedeng maniwala)

Magtiwala ka lamang at si bathala ang bahala

Pero pwedeng tumalon pwedeng maniwala

Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala

Еще от Sponge Cola/Denise Barbacena/Gloc-9

Смотреть всеlogo

Тебе Может Понравиться