Dahan-dahang lumalamig, unti-unting dumidilim
Sa saliw ng ′yong pagtingin, ang oras ay
Bumibilis, kumakaripas
Naghihintay na lang kasama ng ulan
At ayokong magising sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, 'di alam, walang patutunguhan
′Di mapigilan ang pagngiti, paglaya mo'y minimithi
Nagyayaya nang makisayaw, ang himig ay
Nang-aaliw, isang pagdiriwang
Sa ilalim ng bituin, sa liwanag ng buwan
At ayokong magising sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, 'di alam, walang patutunguhan
Ayoko na, hindi sinasadya
Hindi ko sinasadya
Bumibilis, kumakaripas
Naghihintay na lang kasama ng ulan
At ayokong magising sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, ′di alam, walang patutunguhan
At ayokong magising sa umagang nang-aakit mabuksan
Naninimtim, ′di alam, walang patutunguhan
Ayoko na, hindi sinasadya
Hindi ko sinasadya