Sinikap kong magbago nang dahil sa 'yo
Minamahal kita
Lumambot ang puso kong dati ay bato
Dahil sa pag ibig mo
Giliw bulag daw ang pag ibig
Siguro nga ay totoo dahil ako'y inibig mo
Ako'y binigyan mo ng bagong pananaw
Damdamin ay ginising mo
Pag ibig kong tigang iyong diniligan
Salamat sa pag ibig mo
Giliw
bulag daw ang pag ibig
Siguro nga ay totoo
Dahil ako'y inibig mo
Minsan ay nagtatanong ang puso ko
Ba't ako ang mahal mo?
Ano ba ang iyong nakita sa akin
At ako'y inibig mo
Giliw bulag daw ang pag ibig
Siguro nga ay totoo dahil ako'y inibig mo
Giliw bulag daw ang pag ibig
Marahil nga ay totoo dahil ako'y inibig mo
Giliw
bulag daw ang pag ibig