menu-iconlogo
logo

Batugan

logo
Lời Bài Hát
Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat

Imbis mag-banat ng buto

Nag-unat ng butong may kasamang hikab

Ganun katamad!

Sa bayabasan ka magaling mag-abang ng malalaglag

At nagtataka ka pa kapag sa bulsa mo wala ka nang nakakapkap

Ang hilig mo sa teka muna

Kaya imbis salapi ang nakuha mo muta

Punto ko sana makuha

Na baka sa kakahiga mo ay jan ka ma-kuba

Anong misyon mo sa lupa? magpatigas ng batuta?

Paramihin ang populasyon ganyan ba talaga pag walang ambisyong mataas 'di nalulula?

Buti pa tupa napapastol

Ikaw puro angas tol

Halatang nagpapanggap pag nasa labas ng door

Iba-ibang palabas kaya madalas mag mall

Akala mo lang nakakahabol kana pero 'di ka pa pala nakaka-score

'Di lang pala yung tulog yung pwedeng may mapanaghinipan (pati gising)

'Di rin pwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan

Pag may nahiligan 'di madalian, 'di madali yan

Ba't di pag igihan sige ika'y mag-pursige kasi 'di pa huli

Pero sa'yo yan naka dipende

'Di yung nakabase ka sa swerte

'Di laging pu-pwede na yung pwede lang

Kung pwede nga isipin na walang bagay na hindi pwede

Syempre! 'di araw araw abente-singko ng desyembre

Darating at darating ang peste

Yan ang dapat mong pag handaan

Kasi buti pa yung leche flan ay may plano kahit letche

Akala ko ayaw mo ng de-lata?

Pero lagi kang nakahilata

Akala ko ayaw mo tumunganga?

Pero inuuna mo bunganga

Akala ko gusto mo ng biyaya?

Pero lagi kang nakatihaya

Sarili mo din ang dinadaya

Kasi sa katamaran mo siya niyaya

Dapat kasi 'di ka pumapayag

Ikaw din naman ang mahihirapan

Tyaka ikaw din ang manghihinayang

Sa masasayang

Hoy BATUGAN 'di kapa mayaman wala ka pang matabang wallet

Bakit 'di ka makabangon baka bakal na muka mo tapos unan mo naman magnet

Pahiga-higa lang sa higaan 'kala mo biyaya sa iyo ang kusang lalapit, iba ka hanep!

'Di nagpa-panic, Sanay ka bang walang budget o sadyang wala ka lang target?

Yung iba namang mga tamad ay meron din kakaibang mindset

Kaso lang hindi natin alam kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit

Pag walang-wala at pagka kailangan ay sa patalim kumakapit pag walang "AREP" (Pera)

Sige ang dale, sige ituloy mo pa pare hanggat hindi kapa sumasabit

Sana malabanan mo sarili mo nasanay na na puro ka hingi

Alam mo naman siguro sa sarili mong hindi yan nakakabilib

Tapos siya pa yung galit sayo sapilitan

Yun naman ang 'di ko maintindihan

Tipong imposibleng 'di mo din kainisan

Kahit paulit-ulit mo pa sige-han mali kana kahit na isang beses mo lang hindi-an

Sa mga naririnig mo sana naka tutok ka

Para matuto kanang sira ulo ka

Ang sakit mo na sa ulo kase baka yung sakit mo nga ay nasa ulo na

Pag 'di ka kumilos ay hindi ka tutuka

Kapag hindi ka ngumuya ng ngumuya mabuhulunan ka naman o 'di kaya bibig naman ay bubula

Kasi hind to labanan ng patigasan ng muka

Kaya matuto mahiya!