menu-iconlogo
logo

TITIG - BK

logo
Lời Bài Hát
BANANAKREW

Ewan ko kung pano ko bibitbitin

Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin (oh)

Ayoko rin naman to kimkimin kaso mukhang

Hindi ko pa rin to sayo kayang banggitin

At baka isnabin mo lang at di mo pansinin

Bitin kahit na empi at gin ang inumin

Yung tapang ay wala pa rin san ko hihiramin

Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin

Pano sasama kung hindi ako nag-aaya

Pano tatama kung hindi ako tumataya

Minsan iniisip ko na wag na lang kaya

Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya maya

At sobra sa pag-asa kulang sa kumpyansa

Kaya mukhang malabong magka tyansa (tyansa)

Gusto ko lang naman ay maging popoy mo basha

Yan ang matagal ko na pantasya

Matagal na kitang sinusundan tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at

Pinag-iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala (oh)

Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

Di lang ako kumikibo matagal ng tumitibok

Ang puso ko para sayo kaso minsan kumikirot (woh)

Di ko kasi masabi di ako umaarte lang

Di ko lang alam kung papaano aatake

Kasi baka naman ako ay tablahin

Kaya tinatak sa isip ko na wag nang tangkain

Panaginip lang lahat ng yon ako ay tampalin

Para gising na ako tamang panahon aantayin

Ko na lamang kasi wala naman masama sa magtyaga (woh)

Kung para sa akin ka eh di mag aabang ako hanggang sa merong mapala

Kaso wala naman magaganap lalo't na pag wala ako ginawa

Tsaka baka mamuti lang ang mata pag nag antay ng himala (oh)

Di naman malabo na mapansin mo ko kapag di ako nagtatago

Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka tayo

Wala naman kasing ibang paraan kung san takot ay magpapatalo

Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago kasi

Matagal na kitang sinusundan tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at

Pinag iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala (oh)

Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

Kay tagal na din pala kung iisipin mo

Kaso hindi mo pala to alam sinong sisisihin ko

Kundi sarili ko na labis ang takot na baka mapahiya lang

Torpe man akong ituring ay wala akong pakialam

Sa sasabihin ng mga hibang na walang pake sa nararamdaman

Sana hindi nyo ito maramdaman na mahal kita ng hindi mo alam

Nabihag mo kasi ganda mo pang fantasy

Yan ang pinoproblema ko ako ay simple lang kasi

Pano ba kita mapapaibig (mapapaibig)

Sa mga mata'y di makatitig (di makatitig)

Baka diskarte ko magkaloko-loko

Kaso hindi ko na mapigilan na ika'y masolo ko (masolo ko)

Sa panong atake kita makakausap (makakausap)

Hindi ko mawari baka ika'y magulat (baka ika'y magulat)

Pag ako'y lumapit na kaba sa dibdib ko'y matic na

Nais ko lang ay malaman mo na noon pa man ay matagal na kitang

Matagal na kitang sinusundan tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at

Pinag iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala

Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

Matagal na kitang sinusundan tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at

Pinag iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala

Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

BK uploads

TITIG - BK của FLOW G - Lời bài hát & Các bản Cover