Wala nang ibang panginoon
sa buhay ko ngayon
Kundi Ikaw lamang, Hesus,
sa habang panahon
‘Pagkat Ikaw ang nagbigay-kabuluhan
sa ‘king buhay
sa tulad ko, Panginoon,
dakila Kang tunay
Inari Mo ang sala ko
hirap at dusa’y tiniis Mo
hanggang kamatayan pinaglaban Mo ako
Panginoon, sadyang kay
buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas
Mo doon sa kalbaryo
Kaya’t aking inaalay
ang pagpuri’t pagsamba
ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Panginoon, kay buti Mo
Laging nasa puso ko mga dakilang gawa Mo
nagbigay-daan upang Ika’y paglingkuran
Nilingap Mo ang tulad ko
Panginoon, kay buti Mo
Ikaw ang dahilan kaya’t ako’y naririto
Panginoon, sadyang kay
buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas
Mo doon sa kalbaryo kaya't aking inaalay
ang pagpuri at pag samba ang buhay ko’y
tanging sa yo , Panginoon, kay buti Mo
Sa landas na tatahakin ko
Panginoon, nawa ako’y samahan Mo
Panginoon, sadyang kay
buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas
Mo doon sa kalbaryo
Kaya’t aking inaalay
ang pagpuri’t pagsamba
ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Panginoon, kay buti Mo
Panginoon, sadyang kay
buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas
Mo doon sa kalbaryo
Kaya’t aking inaalay
ang pagpuri’t pagsamba
ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Pagsamba ko’y alay sa ‘Yo
Panginoon, kay buti Mo