menu-iconlogo
logo

Tanging Gabay

logo
歌词
Sana iyong dinggin ang panalangin ko

Sana ay mapatawad mo ang kamalian ko

Buong puso at kaluluwa ako'y nangangako

Mula ngayon ay susunod sa'yo

Purihin ka, oh dios sa kabanalan mo

Nilinis mo ang puso kong dating naglililo

Binigyang bagong pag-asa na nuo'y 'di ko dama

Salamat at ika'y aking gabay

Panginoon, samahan mo akong nagkamali

Kung sa'ng landas ako tatahak nang 'di na madapang muli

At kung sakaling may bagyo, yakapin mo ako

Panginoon, ako'y samahan mo

Lahat ay gagawin, iaalay sa'yo

Handog ay pasasalamat at ako'y binago mo

Buong puso't katapatan ang pagpupuri sa'yo

Walang hanggan ika'y paglilingkuran

Panginoon, samahan mo akong nagkamali

Kung sa'ng landas ako tatahak nang 'di na madapang muli

At kung sakaling may bagyo, yakapin mo ako

Panginoon, ako'y samahan mo

Aanhin pa ang lahat, mga yaman sa mundo

Kung sa puso ay mayro'ng kirot na sa'yoy gumugulo

Aanhin pa ang lahat, buhay ay 'di sapat

Kung kapalit ay kamalian ko

Panginoon, samahan mo akong nagkamali

Kung sa'ng landas ako tatahak nang 'di na madapang muli

At kung sakaling may bagyo, yakapin mo ako

Panginoon, ako'y samahan mo

Panginoon, ako'y samahan mo

Tanging Gabay ASOP - 歌词和翻唱