Naalala mo ba ako,
Kahit paminsan minsan
Nalulungkot ka rin ba
Na kagaya ko
Bakit nga ba nagkalayo?
Tayo sa isa't isa
Nag away sa isang bagay
Na walang halaga
Maligaya ka kaya ngayon sayong minamahal
Mayroon na kayang pumalit sa pitag ko sa puso mo
Nalimutan mo na nga kaya ako sa piling ng iba
Minsan minsan, sana'y maalala
Di ka ba nanghinayang
Sa naglahong pangarap
Tinalo ang pag ibig
Ng pagmamalaki
Maligaya ka kaya ngayon
Sayong minamahal
Mayroon na kayang pumalit
Sa pitak ko
Sa puso mo.
Di mo ba ako naalala
Kahit minsan minsan lang
Inaamin ko mahal pa rin kita.
Sana'y maalala mo
Na mahal mo pa ako
Aking inaasahan
Na bumalik ka na