Masakit ang umibig
Mapait ang magmahal
Lalu na kung bawat isa'y
May pananagutan na
Malihim ang pag ibig
Pangamba'y laging taglay
Sa pagnakaw ng sandaling
Nararapat sa iba
Lagi ang pagtatanong (ooh hooh)
Sa budhing gulong gulo
Lagi ang paninimbang
Sa pusong tuliro
Nakaw na pag ibig
Laging nakakubli
Baliw na pagmamahalan
Wala ng pag asa at karapatan (karapatan)
Lagi ang pagtatanong (ooh hooh)
Sa budhing gulong gulo
Lagi ang paninimbang
Sa pusong tuliro
Nakaw na pag ibig
Laging nakakubli
Baliw na pagmamahalan
Wala ng pag asa at karapatan (karapatan)
Nakaw na pag ibig
Laging nakakubli
Baliw na pagmamahalan
Wala ng pag asa at karapatan (karapatan)