Ang puso ko’y umaasa
Tayo’y muling magkikita
May araw na mawawala
Ang luha sa aking mata
Pagka’t ako’y nangulila
Ng araw na lumisan ka
Ngunit nagtitiwala
Sa pagibig ng Dios Ama
Lagi akong magsisikap
Makagawang buong sipag
Matapos ang aking takbo
At makapag wakas
Pangarap ko na makita
Si Hesus na nililiyag
Na siyang iyong itinurong
Lalakarang dating landas
Alaalang nagbabalik
Pangangaral mo sa amin
Wala kaming magagawa
Kung si Hesus di kapiling
Kaya’t bilin mong palagi
Utos Niya’y aming sundin
Na kung ika’y mawawala
Siya’y laging nariyan pa rin
Masakit man sa’king puso
Ang biglaan mong paglisan
Pag-asa’y di mawawala
Ika’y nagpapahinga lang
Muli nating itutuloy
Ang paggawang nasimulan
Kung ako’y papalarin
Na Kanyang kaawaan
Alaalang nagbabalik
Pangangaral mo sa amin
Wala kaming magagawa
Kung si Hesus di kapiling
Kaya’t bilin mong palagi
Utos Niya’y aming sundin
Na kung ika’y mawawala
Siya’y laging nariyan pa rin
Kung dumating na ang araw
Na ako na ang papanaw
Ang dalangin ko sa Ama
Para sa’king maiiwan
Aral ng Dios na dalisay
Ang palaging panghawakan
Kung lahat man ay mawala
Siya’y palaging nariyan lang