Bayan mo bayan ko
Bayan niya bayan nila
Iisa ang pinanggalingan
Iisa ang dapat puntahan
Sino pa ang lalabanan mo
Kung lahat ng buhay dito ay kapatid mo
Kapayapaang pinaglalaban mo
Ay walang halaga kundi mo alam ang sarili mo
Bayan mo bayan ko bayan niya
Bayan nila
Iisa ang pinanggalingan
Iisa ang dapat puntahan
Para saan pa ang kaunlaran
Kung lahat ay iiwan sa kamatayan
Ano pa ang aangkinin mo
Kung sariling buhay mo ay di sa 'yo
Ang buong bayan di rin matutunguhan
Kundi mo nalalaman ang tunay mong katauhan
Ang buong bayan di rin matutunguhan
Kundi mo nalalaman ang tunay mong katauhan
Ang buong bayan di rin matutunguhan
Kundi mo nalalaman ang tunay mong katauhan
Ang buong bayan ay di matutunguhan
Kundi mo na kilala ang diyos mong ama
Bayan mo bayan ko
Bayan niya