Pulang kalangitan ulap ay kaunti
Matindi ang sikat ng araw sa balat ko'y mahapdi
Asul ang kalangitan ako'y may naalala
Sa kaputian ng ulap ako ay sumaya
Hayaang bitbitin ng hangin ang kalungkutan
Hayaang palamigin ng hangin ang init ng katawan

Pigilan ang pag-iyak
Sa lilim ng puno ng aking nasilungan
Namamahinga ang mga ibon sila ay nag-aawitan
Tamis ay naranasan sa bulong ng pangalan
Sana'y hindi ko mabitiwan ang pagkapit ko sa 'yo